^

PSN Opinyon

Rock climbing, skateboarding kasama na sa Olympics 2020

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Dapat lang na isama na sa wakas ang karate sa Olympics simula nitong 2020 sa Tokyo. Ang martial art ay inimbento sa sinaunang Japan, na host ng summer games.

Pero idadagdag na rin ngayon ang rock climbing, skateboarding, at surfing. Dati-rati tinuturing ang rock climbing na extreme sport, para lang sa adbenturerong sumasagupa sa kalikasan taglay lang ang lakas. Ang skateboarding ay para lang umano sa bata-batuta. Ang surfing para sa mga binata’t dalaga.

Aminado ang International Olympic Committee sa dahilan sa pagsama sa bagong sports. Inaakit ang interes ng bagong henerasyon, na hindi gaano mahilig sa luma nang paligsahan.

Ilan sa huli ay athletics (takbo, lundag, itsa), bowling, weightlifting, fencing, at equestrianism (pangangabayo). Sa Pilipinas retirado na ang sprinters na Lydia de Vega at Elma Muros, bowlers na Bong Coo at Paeng Nepomuceno, at equestrienne Mikee Cojuangco. Nagkahilig lang ang Pilipino sa weightlifting dahil kay medalistang Hidilyn Diaz. Mahusay sa fencing si Ormoc City Mayor Richard Gomez -- at si Gat Jose Rizal na matagal nang nakalibing sa Luneta, ha-ha-ha.

Pero ang rock climbing ay uso ngayon sa young professionals na nais mag-de-stress matapos ang trabaho. Halos lahat ng millennials at Gen Z ay nag-skateboarding nung teenager. Dekada-’60 pa sikat ang surfing sa magbabarkada sa tabing-dagat. Daan-taon na ang hilig ng mundo sa karate. Magdadagdag ang apat na sports ng 18 events at 474 atleta, lahat may pandaigdigang fans. Matagal pa ang opening sa Hulyo, nagkakaubusan na ng tickets.

Babalik din sa Tokyo Olympics ang baseball at softball, matapos ang 12 taon na pahinga.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with