Lalo tayong nanganganib sa manlulupig na China
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2020 - 12:00am

Insulto sa Malacañang ang sagot ni US President Donald Trump sa pagkansela ni President Rody Duterte sa Visiting Forces Agreement (VFA). “Mabuti naman at makakatipid ako nang malaki,” ani Trump, na animo’y walang napupura ang bansa niya mula sa VFA, at puro gastos lang sila rito. Pumatas lang ang White House. Insulto rin sa kanila ang rason ni Duterte sa pagbasura: Na­inis lang siya sa pagkansela ng US visa ng bata niyang si dating police general, ngayo’y senador Bato dela Rosa.

Pero nag-aalala ang mga eksperto: Foreign Sec. Teo­doro Locsin Jr., Defense Sec. Delfin Lorenzana, retiradong­ Justice Antonio Carpio, ex-foreign secretary Albert del Rosario, Sen. Panfilo Lacson, Rep. Rufus Rodriguez, atbp. Iisa ang tingin nila: lalong nanganganib ngayon ang Pilipinas mula sa manlulupig na China. Kasi, kapag walang VFA na nagpapadali ng pagpasok ng US servicemen sa bansa para mag-joint military exercises, wala na rin saysay ang 1951 RP-US Mutual Defense Treaty (MDT). Hindi na tayo matutulungan ng US hadlangan ang tuloy pang pag-agaw ng Beijing ng ating karagatan, bahura, at angking yaman.

China lang ang kalaban ng Pilipinas sa Asia-Pacific. Bukod tangi ito na umaangkin ng dagat at pangisdaan ng Vietnam, Brunei, Malaysia, Indonesia, at Pilipinas. Kaya nga naghabla at nanalo ang Pilipinas sa UN arbitral court ay dahil sa pagkongkreto ng China ng pitong bahura natin bilang island fortresses nila.

Nagdaraos ng 300-400 joint exercises taun-taon ang Pilipinas at US sa ilalim ng VFA. Ilan dito ay ang tulungang­ pagpapatalsik ng kalabang army na mang-aagaw ng isla tulad ng Pag-asa sa bayan ng Kalayaan, Palawan­. Sen­yales ito sa China na huwag loloko-loko dahil handa ang pinagsanib na puwersa na giyerahin siya. Nabibigyan ang Pilipinas ng pondo at kagamitang militar para pag-ibayuhin ang ating seguridad.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

DELFIN LORENZANA VFA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with