Walang direksyon ang gobyerno?
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2020 - 12:00am

Para kay Presidente Duterte, mukhang tinapos na niya ang dating magandang ugnayan ng Pilipinas at Amerika nang ipasya niyang tapusin nang wala sa panahon ang Visiting Forces Agreement (VFA). Iyan ang impresyon ng marami sa marahas na aksyon na ginawa ng Pangulo.

Ngunit kamakailan, nagpahayag si Philippine Ambas­sador to the US, Jose Manuel “Babes” Romualdez na “may nilulutong bagong kasunduan ang Pilipinas at Amerika na ipapalit umano sa ibinasurang VFA. Ang tugon­ dito ng Ma­lacañang, “wala itong bendisyon ng Pangulo.”

Ibig bang sabihin nito na may paksyon sa pamahalaan na sumasalungat sa Pangulo? Nagtatanong lang tayo dahil kung magkaganyan, mukhang sabog o walang direk­syon­ ang pagpapatupad ng mga mahahalagang policy ng pamahalaan, lalo na ang may kinalaman sa ating ugna­yang panlabas.

Para kay Presidential Spokesman Sal Panelo, na-mis­interpret lang marahil ang pahayag ni Romualdez. Naka­usap daw ni Panelo si Romualdez na tumangging mayroon siyang ginawang pahayag na ganoon. Ang paglilinaw raw ni Romualdez ay pinag-aaralan nila (US at Pilipinas) ang mga kasunduang makabubuti at makasasama sa Pili­pinas.

Sa tingin ko, ito ay isang diplomatikong pahayag ng isang embahador para maiwasang makagalit ang Pa­ngulo ng bansa. Naniniwala rin ako na hindi talaga karaka­rakang mawawasak ang malaon nang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos na subok na at taga sa panahon.

Nagkataon lang na nagkaroon tayo ng Pangulo na may poot sa bansang matagal na nating kaalyado. Isang Pa­ngulo na walang diplomasya bagkus, isinisiwalat ang ano mang nararamdaman positibo man at negatibo.

Tama naman si Panelo na posibleng ang inisyatibo ay mula sa Amerika porke napakahalaga ng Pilipinas para sa nasabing bansa. Matindi nga naman ang posibleng maging epekto ng pagbasura ng VFA sa strategic position ng Amerika bilang isang superpower as Asya at Pasipiko.

Ibig ng Pangulo na maging self-reliant ang Pilipinas pero sa palagay ko, ito ay wala pa sa panahon. Sa pagitan ng Amerika at China, mas gusto ko na maging kaalyado natin ang una.

VFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with