^

Kumupas na nga ba ang Dilaw? (Part 1)

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - February 29, 2020 - 12:00am

TANDANG-TANDA ko pa. Teenager pa lang ako noon ay nagtatrabaho na ako sa newsroom ng dating PTV 4, ang istasyon ng administrasyong Marcos. Si Greg Cendaña ang noo’y Minister of Information. Tagabalita ako noon ng lagay ng panahon, isang weathergirl. Kontrolado noon ang balitang pulitika. Walang puwedeng ibalitang masama laban sa gobyerno o palakad nito. Lalung-lalo na kung laban sa pamilya Marcos, mga kaibigan at kamag-anak, hindi puwedeng ibalita. Wala naman puwedeng ikontrol sa binabalita ko noon, ang lagay ng panahon. ‘Di naman mapi­pigilan o maiimbento ang oras ng pagsikat ng araw o lakas ng ulan.

Nang magpalit ng administrasyon pagkatapos ng peaceful revolution na pinalakpakan ng mundo at pumalit na si Pres. Cory Aquino, tumingkad ang kulay Dilaw bilang simbolo ng pagbabago. Naibalik ang karapatan ng mga mamamayan na magsalita, kahit laban sa gobyerno, nang walang takot. Wala,pa namang social media noon. Radyo ang nagdala ng tao sa EDSA para maghimagsik. Kaya nang mawala na ang diktadurya ay kaming mga nasa TV at radyo gayundin ang mga kolumnista sa diyaryo ang naging boses ng malayang mamamayan. Ramdam na ramdam noon ang kapangyarihan ng kalayaan na bigay sa lahat ng isang tunay na demokrasya. Ito ang mga ginintuang taon ng pamamahayag. Ito rin ang kalayaang pinakinabangan ng lahat kaya nga tayo ngayon ay libreng magngawngaw ng anupamang mga hugot sa social media.

Pagkatapos ng 34 na taon mula noong EDSA Revo­lution, kumusta na nga ba ang lagay ng kalayaang ito? Masa­sabi ko lang ang nakikita at nararamdaman ko, kaya nga ito’y opinyon lamang. Masalimuot ang lagay ngayon ng ka­buuan ng industriya ng pamamahayag. Kumbaga, baka iba-iba ang lumabas na opinyon, depende sa tatanungin na tao. Pero kung ako ang tatanungin: Malayo ang lagay ng pamamahayag ngayon, maraming journalist ang takot, bihira na ang tunay na imbestigasyon sa mga anomalya sa pamamalakad ng gobyerno, hindi lahat ng dapat lumabas ay inila­labas. Kaya, oo, tuwiran kong sasabihin na pumusyaw na ang kulay dilaw kung sa orihinal na pakahulugan nito noong 1986. Maraming ibig sabihin nito. Susubukan kong ilahad ang ilan sa mga dahilan sa susunod na kolum. (Itutuloy)

CORY AQUINO EDSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with