^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ipahiya ang mga korap sa Immigration

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ipahiya ang mga korap sa Immigration

Marami pang korap sa mga tanggapan ng pama­halaan. Sandamakmak ang mga korap sa Bureau of Immigration at Bureau of Customs. Ang da­lawang ahensiyang ito ang nagpapahirap sa Duterte administration. Kahit paulit-ulit ang banta ni President Duterte sa mga korap, tila wala nang epekto at kamandag. Kamakalawa, nabunyag ang “pastillas operations” ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport. Piniperahan nila ang mga Chinese na magtatrabaho sa Phi­lippine Offshore and Gaming Operators (POGOs), Malayang nakakapasok ang mga Chinese sa bansa. Umaabot umano sa P10-bilyon ang napepera sa pa­mamagitan ng “pastillas”.

Panahon na para ipahiya ni Duterte ang mga korap sa Immigration. Sinabi ng Presidente noong nakaraang Sabado, na ipagpapatuloy niya ang nakasanayang shame campaign laban sa mga tiwali sa pamahalaan. Hindi raw niya titigilan ang mga korap. Hihiyain niya ang mga ito sa maraming tao. Bibirahin daw talaga niya ang mga ito. Hindi lamang daw business ang mawawala sa mga korap kundi pati na rin ang pants ng mga ito.

Patuloy ang paggawa ng katiwalian sa kabila na may babala na ang Presidente. Kahit pa lantaran ang ginagawang pagpapahiya sa publiko, patuloy pa rin ang mga corrupt sa gobyerno. Masahol pa sa mga buwaya ang corrupt officials na halos wala nang kabusugan. Ang mga buwaya ay tumitigil sa paglamon kapag mayroon nang laman ang tiyan, pero ang mga corrupt sa pamahalaan, walang humpay ang pag­papasasa sa kaban ng yaman. Uubusin lahat ang laman ng kaban.

Sabi pa ng Presidente noon, singaw lamang ng korapsiyon ang kanyang maamoy, sisibakin agad niya ang sangkot na opisyal. Kaya nga sinabi pa niya noon, magkusa nang magbitiw para hindi na niya hiyain. Mas masakit umano kung sa harap nang maraming tao pa niya hihiyain ang sangkot sa katiwalian.

Ngayon ang tamang pagkakataon. Hiyain na niya ang mga taga-Immigration. Maraming gumagawa ng kabulastugan at kawalanghiyaan sa nasabing tang­gapan. Kaya pala napakaraming Chinese sa bansa ay dahil maluwag na nakakapasok sapagkat may ben­disyon ng mga korap sa Immigration. Upakan na sila!

vuukle comment

KORAP

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with