^

PSN Opinyon

Paging PAGCOR: Mga casino ipasara muna

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ilang araw nang nag-aalab na isyu ang paglaganap sa daigdig ng sakit na dulot ng nCoV o novel Coronavirus ngu­nit ni minsan, hindi natin narinig ang posibilidad na tem­porary closure ng mga casino na pinamumugaran ng mga turista na ang karamihan ay mga Chinese nationals.

Gawin mang rekisitos ang pagsusuot ng face mask at paggamit ng hand-sanitizer sa mga establisimentong ito, sa rami ng mga turistang nagtitipon dito ay mahirap pi­gilin ang pagkalat ng virus kahit isa o dalawa man sa mga ito ang infected ng mikrobyo.

Hindi ko tiyak kung ito ay ipinatupad na sa Macau ngu­nit sa naturang lungsod sa China, mayroon nang panu­kala na pansamantalang ipasara ang mga casino bilang bahagi ng hakbang para supilin ang pagkalat ng kinatatakutang virus. Kapuripuri ang hakbang na ito ng China lalo pa’t kini­kilala nila na sila ang pinagmulan ng karamdamang ito.

Pinakapopular na laro sa mga casino ay ang slot machines na rito’y kung sino-sino ang nauupo at pumipin­dot kaya madaling pagpasahan ng mikrobyo sakaling ang isang manlalaro ay infected ng karamdaman. Kaya sana’y ikonsidera ng ating mga awtoridad ang temporary closure­ ng mga casino na bagaman at pinagmumulan ng malaking­ revenue ng bansa ay dapat magsakripisyo ng kaunti at tigil-operasyon muna sa kapakanan ng nakararaming­ kaba­­bayan natin. Marahil, hindi naman napakalaking kawalan­ kung ititigil muna ang operasyon sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan. Bagkus, ito ay magiging malaking pakinabang sa pandaigdig na kampanya sa pagsugpo ng nCoV.

Sana, ang Philippine Amusement and Gaming Corpo­ration (PAGCOR) na siyang may kapamahalaan sa lahat ng casino na may operasyon sa bansa ang magpasyang­ ipatupad ang hakbang na ito at naniniwala akong malaki ang maiaambag nito sa mabilis na pagsugpo sa kinatatakutang nCoV.

Alam natin na ang kinikita ng PAGCOR mula sa operasyon ng mga pribadong casino ang pinag­mumulan ng pondong itinutustos sa mga proyekto ng pamahalaan, gayundin sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na taong nangangailangan ng medical assistance.

Ngunit kung ito’y para sa kabutihan at kapakanan ng nakararami, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig, mabuting hakbangin ang pagpapatupad nito at naniniwala ako na makikiisa dito ang mga entrepreneurs na  nagpapatakbo ng mga casino. Sana, ito rin ang gawin sa iba pang mga bansang may kaso ng n-CoV.

vuukle comment

HAND-SANITIZER

NCOV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with