Biological warfare?
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2020 - 12:00am

SABI ng isang kaibigan ko: “Hindi kaya ang lumalaganap na Novel Coronavirus sa buong mundo ngayon ay isang klase ng biological warfare ng isang bansang nais sakupin ang daigdig?”

Hindi maiiwasang maglaro ang malikot na imahinas­yon ng ilan nating kababayan dahil unang-una, sa bansang China nagmula ang sakit na ayon sa pinakahuling ulat ay tinatayang nasa 80 katao na ang namamatay, habang sa ating bansa ay may 11 dayuhan ang inoobser­bahan at hinihinalang nagtataglay ng karamdamang ito. Kaya dahil sa nadaramang bias at apprehension ng mga tao laban sa China, nakakagawa sila ng ganoong konklusyon.

Batid ng buong mundo na ang China ay isa sa mga maka­pangyarihang bansa sa daigdig na ipinakikita ang lakas sa pamamagitan ng pag-angkin ng mga teritoryo sa karagatang may karapatan din ang ibang kalapit na bansa. Ngunit bago tayo tumalon sa ganyang konklusyon mas makabubuti kung ang bawat bansa ay magsama-sama sa pagtuklas ng panlaban sa naturang karamdaman.

Sa tingin ko, bagaman at hindi ako duktor, ang sakit na ito ay isa lamang uri ng trangkaso na ang pinagmumulang virus ay nag-mutate at lumakas upang labanan ang mga gamot, tulad ng antibiotics, na natuklasan ng tao para sugpuin ito. Kung may immune system tayo para bakahin ang mga karamdamang dala ng mikrobyo, pati mga mikrobyo ay tumutugon din sa puwersang isinasabak sa kanila. Kaya dapat ding tumugon ang siyensya para maka­tuklas din ng angkop na panlaban sa mga nag-mu­tate na karamdaman.

Noong araw, nagkakaroon na rin ng pandaigdig na epidemya ng trangkaso pero yun lang ang tawag sa sakit: simple influenza. Pero moderno na at high-tech ang panahon ngayon, nakikita na sa laboratoryo ang pagbabagong anyo ng mga virus at bacteria kaya sari-sari na ang naging katawagan.

Dahil diyan, ang mga siyentista sa medisina ay wala ring tigil sa pagtuklas ng mga bakuna laban sa mga karamdaman. Kaso lang, sa ating bansa ay tila may takot na o phobia ang tao sa bakuna dahil sa stigma na dala ng Dengvaxia. Ang payo natin sa lahat, let’s keep our immune system healthy sa pag-iwas sa masasamang bisyo at pagkain ng wasto.

NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with