Pekeng manghuhula (Unang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2020 - 12:00am

Isang kaso ito ng estafa o panggagantso ng pera mula sa ibang tao.

Ang isang isyu na tinatalakay sa kaso ay kung kaila-ngan pa na sulatan at ipilit ng biktima na bayaran siya ng akusado para isoli ang pera o kung papatunayan pa niya sa korte na hindi kayang magbayad ng nanloko sa kanya bilang elemento ng krimen.

Tuloy kaya ang kaso kahit hindi muna siya siningil ng biktima? Kailan importanteng patunayan na  siningil siya?

Ang mga tanong na ito ang sasagutin sa kaso ngayon.

Ang kasong ito ay tungkol kay Ricardo na nakatira sa isang bayan sa bandang Timog Luzon. Isa sa mga kapitbahay niya at residente sa lugar ay si Anita na naniniwala sa panghuhula at mahika.

Isang pagkakataon, nilapitan si Anita ni Ricardo at ng  tatlo niyang kaibigang sina Diego, Enrique at Nardo. Nagpanggap na manghuhula at isang magician na may kapangyarihan na makahanap ng mga nakatagong kayamanan,

Nakumbinsi ni Ricardo si Anita tungkol sa nakatago raw na banga sa ilalim ng kanyang bahay na naglalaman ng mahahalagang gamit.

Kailangan daw ng mga lumang gintong pera ni Ricardo para mapalabas ang mga kayamanan sa lupa. Naniwala naman ang isa at agad na nagbigay ng P150.00. Pero matapos tanggapin ang pera ay hindi na muling bumalik si Ricardo sa bahay ni Anita at hindi na rin nag-abala na isoli ang pera.

Kaya kinasuhan si Ricardo sa korte para sa krimen ng estafa dahil sa pakikipagsabwatan niya kina Diego, Enrique at Nardo para makuha ang P150.00 mula kay Anita.

(Itutuloy)

ESTAFA PANGGAGANTSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with