PCSO Garma, sisingilin ang tiwaling STL operators!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2020 - 12:00am

Umabot sa P47 bilyon ang nakolekta ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) noong isang taon subalit sangkaterbang mahihirap ang kanilang natulungan.
Kaya naman mababa ang kita ng PCSO noong 2019 ay dahil maraming local government units (LGUs) ang hindi nakabayad ng kanilang obligasyon sa naturang ahensiya. Sa taon na ito, P52 bilyon ang target kolektahin ng PCSO at ‘wag na kayong magtaka mga kosa kung maglabas sila ng iba’t ibang palaro para makakuha pa ng pondo sa tumatangkilik sa kanila.

Ang P3 bilyon na pondo ay mapupunta sa Universal Health Care ni President Digong samantalang ang ganunding halaga ay sa 74 Malasakit Center ni Sen. Bong Go. Siyempre, sisingilin din ni PCSO Gen. Man. Royina Garma ang mga tiwaling operators ng Small Town Lottery (STL) para madagdagan ang pondo nila sa taon na ito. Nagbabala si Garma na hindi na niya papayagang mag-operate pa ang mga STL authorized agents na walang balak magbayad ng utang nila.

Sinabi ni Garma na mula nang maitatag ang Lotto noong 1995, noong 2018 lamang nakakolekta sila ng aabot sa P62 bilyon, ang pinakamataas na koleksiyon sa dalawang dekada. Tinawag nila itong “phenomenal” dahil ang jackpot prize ng Lotto sa panahong ‘yun ay umabot sa P1 bilyon at marami ang tumataya para mapanalunan ito. Kaya ang kita noong 2018 ng PCSO sa isang araw lamang sa buong bansa ay nasa P100 milyon. Wow! Mauulit pa kaya itong phenomenal year ng PCSO? Kung sabagay, may posibilidad na mangyari ito sa panahon ni Garma kapag nagbukasan ang STL outlets na pinasara dahil sa pagkakautang sa PCSO. Tumpak!

Tungkol naman sa Davao City, maayos namang nakaka­bayad ang siyudad sa obligasyon nila subalit sarado ang mga STL outlets dahil sa hindi pagbawi ng mga pulitiko ng isang resolution bilang pagsuporta sa hakbang ni Pres. Digong na ihinto muna ang lahat ng palaro ng PCSO habang iniimbestigahan ang diumano’y korapsiyon na nangyari sa naturang ahensiya. Abangan!

PCSO ROYINA GARMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with