Tirahin na ang mga druglords
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2019 - 12:00am

Dapat sigurong subukan muna ang kakayahan ni VP Leni, bilang anti-drug czar kaysa wasakin ito ng hindi pa man nakikita ang kanyang abilidad sa pagpapatakbo ng ‘war on drugs!’

Sabi nga, suportahan muna bago kontrahin!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat unahing ilagay sa hukay ang mga druglords kaysa maliliit na pushers o users.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahihirapan talagang hanapin o kapain ang mga druglords na nagmimintini na malaking bulto ng droga sa Philippines my Philippines pero ito dapat ang kapain para mahinto o mabawasan ang pagkalat ng mga illegal drugs.

Dapat hanapin ni VP Leni at paggugulan ng panahon at pera siempre ang mga malalaking personalidad na pinaghahanap ng mga autoridad dahil nasasangkot ang mga ito sa droga.

Halimbawa, asan sina Peter Lim, Garbo, Acierto at Fajardo?

Kung mahuhuli ang mga personalidad na pinaghaha­nap ng batas, baka makapagbigay pa sila ng magandang impormasyon tungkol sa operasyon ng droga?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Marami pang mga ninja cops ang nasa apat na sulok ng Philippines my Philippines, nasa drug matrix ni Boss Digong ang mga pangalan nila at with matching pictures pa. Bakit hindi sila ang hanapin at busisiin?

O baka naman walang matibay na ebidensiya ang pamahalaan tungkol sa mga ‘telling a lie’ stories nila?

Naku ha!

Ano ba ito?

Totoong marami nang mga madlang people ang napatay dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa illegal drugs pero ang karamihan sa kanila ay iyong mga mahihirap at mabibilang lamang sa daliri ang mga sinasabing bigtime operators ng droga sa iba’t-ibang lugar sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, para hindi na lumaki ang bilang ng mga druglords, habang maaga pa, kalusin na sila basta’t mapapatunayan sangkot sila sa operasyon ng droga.

Korek ka dyan, Kamote!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat kamay na bakal ang pairalin ni VP Leni laban sa mga druglords at sana huwag na itong dumami pa.

‘Hindi natin sinasabing patayin sila, dapat mahuli sila at maghimas ng rehas sa karsel’. sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

Sabi nga, si VP Leni kasi ang co-chair ng Inter - Agency Committee on Anti-Illegal Drugs na itinalaga ni Boss Digong many weeks ago.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ngayon ay lalong dumarami ang bilang ng mga gumagamit ng droga hindi lang sa Metro Manila kundi pati na rin sa mga probinsiya pero ang mga ito naman ay nahuhuli ng mga autoridad.

Sabi nga, palakpakan sila!

“May mga critics kasi si VP Leni na nagsasabing umaang-gulo na diumano ang una para sa 2022?’ sabi ng kuwagong hilong doktor.

May mga nagpapaalala kay VP Leni, kung kaya niyang itumba ang mga druglords, itumba niya dahil kung hindi, puede silang ‘call a friend’ para sila ang magtumba? Hehehe!

Ano ba ito?

Pinangunahan pa si VP Leni sa kanyang diskarte?

Sila na kaya ang humawak ng posisyon ni VP Leni para wala nang maraming tanong pa?

Ano sa palagay ninyo?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, suportado daw ng madlang Pinoy ang aksyon na ginagawa ni Boss Digong sa paglutas ng problema ng droga?

Ang mga kontra dito ay ang mga critics niya?

Para maging matagumpay ang ‘war on drugs’, dapat magkaisa ang lahat at magtulungan lalo na ang mga nasa local government partikular ang mga barangay para masugpo o mabawasan ang pagdami ng illegal drugs.

Ano kaya? Abangan.

WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with