^

PSN Opinyon

Bonggang ‘kaldero’

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SA susunod na linggo na magaganap ang South East Asian Games dito sa ating bansa. Magpapakitang gilas­ na ang mga manlalarong Pinoy. Wala akong masabi pag­dating sa ating mga atleta dahil magpapakita sila ng lakas makuha lamang ang minimithing medalya. Kayang-kaya nating humakot ng gintong medalya.

Bago mag-umpisa ang mga palaro, paiilawin ang kaldero sa ibabaw ng tore simbolo ng pakikipagkaibigan natin sa iba’t ibang bansa. Ang kalderong kontrobersiya ‘di pa man napapailawan ay humakot na ng iba’t ibang reaksiyon. Ang tanong ng marami bakit gumastos ang gobyerno ng halos P55 milyon para lamang sa isang kal­derong nakapatong sa tore? Hindi kaya nasobrahan ng gastos ang gobyerno sa paghahanda ng SEA Games, na kung tutuusin ay minsan lamang gagamitin?

Ayon kay Senate minority leader Franklin Drilon, ang halaga ng ginastos sa isang kaldero ay ikinum­para­ na makakagawa sana ng 50 silid aralan sa mga pam­publikong paaralan na mapapakinabangan nang maraming mag-aaral. Maraming proyekto ang gobyerno na dapat ipatupad pero wala naman makuhang pondo, pero heto at gumagastos ang gobyerno ng bilyong halaga para sa SEA Games. Puwede naman sana na P20-25 milyon ang ginastos dahil maganda na rin kung tutuusin ang kal­de­rong paiilawin sa ibabaw ng tore.

Kunsabagay meron ding magandang kahihinatnan ang bonggang kaldero sa ibabaw ng tore, nagpapakitang tayo ay nasa modernong panahon at maunlad na ang ating bansa. Gusto rin nating magpasikat siyempre at hindi magpapahuli ang ating bansa pagdating sa ganda at ayos na gagamitin ng mga manlalaro.

Imbes na magbatuhan ng kanya-kanyang kuro-kuro, magkaisa muna bilang bansang host ng SEA Games. Ipakita natin ang mabuting pakikitungo sa foreign dele­gates ng SEA Games.

SEA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with