Resulta
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

SAMPUNG araw na ang nakalilipas mula nang tanggapin ni Vice President Leni Robredo ang maging co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). At sa totoo lang, mas marami ang tila nagiging balakid sa kanyang trabaho kaysa sa tumulong sa kanya. Una siyang inakusahang puro salita kahit limang araw pa lang naitatalaga.

Ang nais yata ay mamula ng dugo ang lansangan kapag si Robredo na ang nakaupo sa ICAD. May nagkomento na hindi puwedeng magpa-cute dahil seryoso ang kampanya laban sa illegal drugs. May nangamba naman na baka ibeybi lang ang drug lords. Lahat ito kahit nagpahayag umano si Duterte na suportahan si Robredo.

Ang mga nag-alay ng tulong ay si Sen. Ping Lacson at mga kinatawan ng iba’t ibang US agency. Nagbigay ng mga confidential information sa kanya hinggil sa mga sindikato sa bansa. Nagbitaw naman ng salita si Sen. Tito Sotto na dapat China at mga bansa sa rehiyon ang kausapin ni Robredo at hindi ang US at UN na madalas pumuna ng kampanya ng administrasyon.

Nais kausapin ni Robredo ang China pero wala pang balita diyan. Humihingi rin ng listahan ng high-value targets ng PDEA pero tila may pangamba at alinlangan sa pagbigay kay Robredo. Nagsalita na rin ang Pa­lasyo na tatanggalin si Robredo sa ICAD kung magbabahagi ng sensitibong impormasyon sa ibang bansa. Wala pang balita kung ibabahagi nga sa kanya ang listahan.

Una nang nangamba ang marami, karamihan mga ka­alyado ni Robredo, pati na rin ang ilang analyst sa pagtang­gap niya ng posisyon. At ganun na nga, mga kaalyado naman ng administrasyon ang walang masabing salitang paghihikayat kahit ilang araw pa lang nakaupo.

Hindi pa makita kung epektibo si Robredo sa kanyang bagong posisyon pero nakikita naman ang mga malinaw na hadlang para ma­tahak ang direksyon sa kampanya sa illegal drugs. Hindi ako magtataka kung hindi siya magtatagal. Tila eksperimento ng administrasyon na naghihintay lamang ng resulta, maging mabuti o masama. Dapat may maipakita na siyang konkretong resulta sa lalong madaling panahon kung para lang mapigilan ang tuluy-tuloy na pagpuna at banta sa kanyang trabaho.

INTER-AGENCY COMMITTEE ON ANTI-ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with