Pinoy galit sa droga at sa nagre-recycle
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

HINDI mabilang ang memes na patuloy umiikot online mula Okt. para isaad ang ngitngit ng Pilipino sa “ninja cops”. Isa ang unipormadong pulis na naka-itim na hood at samurai sword ng ninja. Merong retrato ni Supt. Rodney­ Baloyo, “tao” ni noo’y PNP chief Oscar Albayalde, naka- mamahaling Audemars Piguet na relos, halagang P2 milyon, sa hearing sa Senado. Pinaka-malaman ang isa na nagtatanong: “Albayalde, Baloyo, et al, binigyan ng due process; paano naman ‘yung iba? Naisama ba sina Baloyo at mga kasapakat sa illegal drugs watchlist bago nu’ng 2017? Kung hindi, bakit?”

Malinaw sa memes ang poot ng Pilipino sa kawatan. Dati maganda ang imahe ng “ninja cops”: sila ang mga operatiba na mabisang pinasok ang mga sindikatong droga para tiktikan ang pinuno, tapos maliksing umalis para pamunuan ang raids sa mga pabrika at hideouts ng shabu. Kinalaunan “ninja cops” ang ibinansag sa mga pulis na nagre-recycle ng droga kaya hindi masawata ang salot.

Nu’ng 2014 sa Pampanga kunwaring nag-raid sina Baloyo at 12 tauhan, kinuha ang 200 kilong shabu ng Chinese drug lord, tinangay ang P10 milyong cash at SUVs nito, at pinag-ransom ng P50 milyon para patakasin. Tatlumpung kilo lang ang inimbentaryo nila, at ipinabenta nang P780 milyon ang bulto sa pamamagitan ng sindikato sa loob ng National Bilibid Prison. Ibinunyag­ ito nu’ng Okt. nina dating PNP generals Benjamin Ma­galong, ngayo’y mayor ng Baguio, at Aaron Aquino, nga­yo’y hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency. Bago mag-retiro sinagupa ni Magalong ang sindikatong droga sa bilangguan. At sa Senado isinalaysay ni Aquino ang tangka ni Albayalde na “arborin” ang kaso nina Baloyo et al. Umamin si Albayalde na tumawag siya kay noo’y Central Luzon director Aquino, pero para alamin lang ang status ng kaso ng “mga tao niya”, hindi para ipahinto ang pagsibak sa kanila.

Na-demote lang sina Baloyo. Pero ang 6,000 pushers patay agad.

NINJA COPS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with