^

PSN Opinyon

Sunud-sunod na lindol

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG lindol sa loob ng dalawang linggo sa halos parehong lugar sa Mindanao. Magnitude 6.6 ang lakas nito habang 6.3 naman noong Oct. 16. Sigurado hindi na mapakali ang mga taga Cotabato. Kadalasan ang naiisip kapag natapos na ang lindol ay may ilang mas mahihinang lindol o “aftershocks” hanggang sa matapos na. Pero mukhang hindi pa tapos gumalaw ang fault sa bahagi ng Mindanao na ito.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, maaa-ring ang parehong fault line ang gumalaw o kaya iba dahil marami raw sa lugar na iyon. Ang fault line ay ang pagitan ng dalawang malalaking bahagi ng lupa. Maaaring tingnan ito na parang lamat. Kapag bumigay o kaya kusang gumalaw, iyan ang lindol. Ito ang dahilan kung bakit hindi mahulaan kung kailan lilindol. Kapag nahuli ng mga instrumento ng Phivolcs ang paggalaw ng lupa, huli na rin sila. Kaya hindi dapat agad-agad naniniwala sa mga pagkalat ng balita na lilindol sa ganitong araw o oras.

Pito ang namatay sa lindol noong Martes. Lima naman sa lindol noong Oktubre 16. Siguro maraming gusali o istruktura ang bahagyang nasira noong Oktubre 16, kaya nang lumindol muli ay natuluyan na. Wala pang kabuuang estimasyon sa danyos na inabot ng mga siyudad sa paligid ng episentro ng lindol pero aabutin ng daang milyong piso. Kailangang kumilos muli ang bansa para tulungan ang mga apektado ng lindol. Nais na ngang  magdeklara ng state of calamity para mas mapabilis ang pagdala ng ayuda sa mga apektado. 

Ulan sana ang hinihingi ng bansa, partikular sa Luzon. Pero lindol naman ang naganap. Hindi talaga mahuhulaan kung ano ang gagawin ng inang kalikasan. Ang pinagdadasal natin ay huwag magdala ng sakuna o malaking pinsala sa lahat. Habang sinusulat ito, isa na namang malakas na lindol ang naganap sa parehong lugar, kaya tatlo nang sunud-sunod. May hotel na halos gumuho na. Hindi na siguro kinaya ang isa pang lindol. Sana tumigil na ang paggalaw ng fault at sigurado mas malawak na ang danyos kung may susunod pa.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with