^

PSN Opinyon

Absuwelto rito, absuwelto roon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HAWAK na ng pulis, nakasakay pa sa kanilang sasakyan, nakukuha pang mapatay. Napatay si Mayor David Navarro ng Clarin, Misamis Occidental habang dinadala ng mga pulis sa prosecutor sa Cebu dahil sa insidente kung saan binugbog niya umano ang isang masahista. Inaba-ngan umano ng mga armado mula sa isang puting van ang sasakyan ng pulis kung saan nakasakay si Navarro at pinagbabaril. Nahila pa raw palabas ng sasakyan. Hindi nakasagot ang mga kasamang pulis sa mga namaril. May iba-ibang bersyon ng pangyayari pero ang malinaw ay kahit hawak ka na ng pulis ay hindi ibig sabihin ligtas ka na sa peligro. May nasaktang pulis sa pananambang pero nasa ospital na. 

Kailangan mabanggit na si Navarro ay nasa druglist ni President Duterte. Kung nasa narcolist ka ni Duterte at nahuli ka na ng pulis baka mas nalalagay ka na sa peligro. Si Rolando Espinosa Sr. nakakulong na nga, napatay pa. Ano na kaya ang nangyari sa kaso ng mga pulis na kabilang sa pagsalakay sa kulungan ni Espinosa? Nabaon na sa limot? Pinatay si Antonio Halili habang nasa flag ceremony. Nahuli na ba ang pumatay?

Baka ito ang sinasabing tagumpay ng drug war. Mga nasa narcolist na isa-isang napapatay. Ilang pulitikong nasa narcolist ang napatay na sa ilalim ng administrasyong ito? Hindi ko sinasabing inosente sila o hindi. Nagsasabi lang ng katotohanan. Si Vicente Loot sinubukang tambangan pero hindi nagtagumpay, bagay na inamin mismo ni Duterte pero binawi kaagad ng kanyang mga tagapagsalita na biro na naman daw.

At ganito naman ang mga nababalitaan natin ngayon. Tila mga kinasuhan ng mga nakaraang administrasyon ay naaabsuwelto naman ngayon. Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang “Euro Generals” dahil hindi raw napatunayan ng prosecution na may krimeng naganap dahil ayon sa mga alituntunin ng COA na ginamit nila bilang ebidensiya, hindi naman malinaw kung paano raw gagastusin ang perang pinadala sa kanila. Matatandaan na nahulihan ang mga heneral ng libong dolyar sa Russia nang nakibahagi sa Interpol Assembly. Hindi na bale na sobra-sobra ang kanilang dalang pero ayon sa batas. Tila pabaon sa kanila ng administrasyong Arroyo noong panahong iyon. Sandiganbayan din ang nagbasura sa forfeiture na kaso laban sa mga Marcos sa halagang P267 milyong dahil sa ebidensiyang xerox lang daw at iba pang ebidensiya na mahina umano. Ilang taon na ang kaso, ngayon lang sasabihin na mahina ang xerox na ebidensiya? Hindi na rin iimbestigahan ang pamilya ni Solicitor General Calida hinggil sa mga kontratang nakuha ng kanilang security agency sa gobyerno sa halagang milyun-milyon. Wala na rin kasi ang nagsusulong ng imbestigasyon na si dating Sen. Antonio Trillanes at tapos na ang 17th Congress. Lahat ng iyan binasura na. Sino kaya susunod?

vuukle comment

DAVID NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with