EDITORYAL - Toll discount sa SLEX, ipatupad
(Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

PAYAG ang Toll Regulatory Board (TRB) na mag­karoon ng discount ang mga motoristang dumadaan sa South Luzon Expressway (SLEX). Ayon sa TRB, sa araw-araw na trapik na dinaranas ng mga motorista, nararapat lamang na babaan ang singil sa mga ito. Hindi umano makataru­ngan sapagkat naso-shortchanged ang mga tao sa nangyayaring trapik na inaabot ng apat hanggang limang oras sa SLEX northbound. Nagsimula ang kalbaryo ng mga motorista at mga tao na nanggagaling sa Southern Luzon noong Setyembre 24 nang simulan ang construction ng Skyway extension sa Muntinlupa City. Ayon sa operator ng Skyway aabutin ng hanggang Disyembre 2020 ang construction.

Subalit kahit na payag ang TRB na bigyan ng discount ang mga motorista, ang operator naman ng SLEX at Skyway ang tutol sa pagbibigay ng discount. Ayon sa San Miguel Corporation, hindi nila maaaprubahan ang toll discount. Hindi naman daw masosolb ng pagbibigay ng discount ang nangyayaring trapik sa SLEX. Sabi pa ng TRB, hindi dumalo ang SMC sa kanilang meeting noong isang araw para mahingi ang opinion sa iminumungkahing toll discount.

Dapat panghimasukan na ng pamahalaan ang isyung ito sapagkat tama ang sabi ng TRB na naso-shortchange ang motorista o publikong guma­­gamit sa SLEX. Habang isinasagawa ang construction ng Skyway, dapat bawasan ang toll fee. Hindi naman makatarungan na nagbayad nang buo ang publiko pero kalbaryong trapik ang nakamit. Hindi naman tama ito.

Araw-araw, humigit-kumulang na 370,000 sasakyan ang dumadaan sa SLEX at 196,000 sa mga ito ang gumagamit ng Skyway. Kalbaryo ang dina­ranas nila ngayon at titiisin hanggang sa 2020. Ang masakit nga lang ay ganun pa rin ang bayad sa toll fee. Sana naman, dinggin ang hiling na ibaba ang toll fee. Ito ang paraan para mapaluwag ang kalooban na naipit sa trapik.

SOUTH LUZON EXPRESSWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with