EDITORYAL - Pabakunahan ang mga bata laban sa polio
(Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

NAGSIMULA na kahapon ang pagbabakuna sa mga bata laban sa polio. Mula Oktubre 14 hanggang 17 isasagawa ang pagbabakuna sa National Capital Region, Lanao del Sur, Marawi City, Davao City at Davao del Sur. At sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 7 sa buong Mindanao at National Capital Region. Sa Enero 6 hanggang 18, 2020, magbabakuna sa buong Mindanao.

Mapanganib ang polio kaya nananawagan ang Department of Health (DOH) sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na wala pang limang taong gulang, nabakunahan man ito o hindi pa. Libre ang bakuna.

Ang polio virus ay makikita sa mga imburnal, poso negro o sewage. Nadiskubre ito makaraang magsagawa ng testing sa Manila sewage ang Department of Health (DOH) noong Agosto at nagpositibo sa virus. Sabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, dapat maprotektahan ang mga bata sa virus. Kapag nabakunahan ang mga bata, 95 percent na silang ligtas sa polio. Wala umanong gamot sa polio kundi ang kumpletong bakuna.

Idineklara na ang Pilipinas na polio free mula pa noong 2000 subalit bumabalik ang virus dahil sa maruming kapaligiran. Marami pa rin ang walang sariling kubeta at kung saan-saan lamang dumu­dumi. Kaya ang panawagan ng DOH sa mamamayan, maging malinis para hindi mabuhay ang virus. Kailangang mapanatili ang proper sanitation.

Maraming magulang ang nagkaroon ng takot sa bakuna mula nang maging kontrobersiya ang Dengvaxia vaccine laban sa dengue. May mga batang binakunahan ng Dengvaxia ang umano’y namatay dahil sa kumplikasyon. Karamihan sa mga binakunahan ay hindi pa nagkaka-dengue. Ayon sa Sanofi, maker ng Dengvaxia, dapat mga nagka-dengue lamang ang dapat mabakunahan.

Ang pangyayaring iyon ay naghatid ng takot sa mga magulang kaya hindi na pinababakunahan ang mga anak. Kahit bakuna sa tigdas, kinatakutan din. Ngayong may outbreak ng polio, huwag isapalaran ang kalusugan ng mga anak. Pabakunahan sila. Mahirap magsisi sa huli. Habambuhay na tataglayin nila ang bangis ng polio.

POLIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with