^

PSN Opinyon

Talo na naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

INUTUSAN ni DOJ Sec. Menardo Guevarra ang oversight committee na bantayan ang isinasagawang reporma­sa New Bilibid Prisons sa ilalim ni BuCor chief Gerald­ Bantag. May mga ulat na matapos tibagin ang mga iligal na istruktura sa Bilibid ay lalong naging mahirap ang kundisyon ng mga bilanggo. Pinatulog pa sa labas ang ilang bilanggo. May sumabog nga na bomba sa loob ng maximum security compound noong Biyernes. Hindi pa alam kung sino ang nasa likod ng pagsabog na naga­nap habang isinasagawa ang demolisyon. Baka pinasabog ang mga kontrabandong granada.

Ayon kay Guevarra, babantayan ng kumite ang mga reporma na hindi dapat lumabag sa batas at angkop sa maayos na pagtrato sa mga bilanggo. Tandaan na may kontrobersya si Bantag. Inimbestigahan kaugnay sa pag­sabog sa Parañaque City jail kung saan 10 bilanggo ang namatay. Nangako siya na aayusin ang NBP kung saan halos lahat ng mga nakaraang BuCor chief ang hindi magawa-gawa. Ang iba nasangkot pa sa kontrober­siya at korapsyon. Kasalukuyang nagaganap pa nga ang pag­dinig sa Senado hinggil sa GCTA, “ninja cops” at korap­syon sa NBP. Tila wala nang katapusan ang mga problema sa NBP.  

Naungkat din ang isinagawang buy-bust sa Mexico, Pampanga noong 2013, habang hepe ng Pampanga si PNP chief Gen. Oscar Albayalde. Naglabasan ang mga kaduda-dudang kilos ng 13 pulis sa pamumuno ni Maj. Baloyo, kung saan ang paniniwala ay “inagaw” ang 160 kilo ng shabu, pera at pinakawalan ang Chinese na si Johnson Lee sa halagang P50 milyon. Lumabas din na tinawagan nga ni Albayalde ang mga opisyal na nag-iimbistiga sa kanyang mga tauhan. Kaya ang kabuuang imahe ng PNP muli ang nalalagay sa masama dahil sa scalawags. Malinaw din na nagaganap ang paggapang ng mga kaso sa mga tiwaling pulis para hindi matanggal sa serbisyo at mapatawan lang ng mas mababang parusa. Ang mamamayan na naman ang talo rito.

vuukle comment

GERALD­ BANTAG

NEW BILIBID PRISONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with