4 kamoteng BI sa MIA, mayayaman na
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

DAPAT gumawa ng complaint letter sa Office of the Ombudsman o mag-text sa 8888 para maimbestigahan na rin ng Malacañang ang mga opisyal na nagkamal ng salapi diyan sa Bureau of Immigration Mactan International Airport para mahubaran sila ng maskara at maparusahan.

Bakit?

Sobra na kasi!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaking pera ang nakamal nina alyas “Baklang Bakulaw”, alyas “Vice Ganda”, alyas “Rene Requistas” at itong si alyas kamoteng “Son”.

Sobra, sobra ang salaping nakulimbat ng mga buwitreng ito sa pamamasahero nila sa Mactan International Airport na iniuutos sa mga pobreng alindahaw doon. Take note, SOJ Boy Guevarra at Immigration Commissioner Jaime Morente.

“Dapat na silang kalusin sa Mactan International Airport dahil ang mga tauhan nila dito ay pinahihirapan ng mga kamoteng ito lalo’t ayaw pumayag sa kanilang illegal activities. Kaya pumiyok ang mga pobreng alindahaw dahil nga naman nagkakamal sila ng malaking halaga ng salapi at kung anu-ano pang mga luho,” sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kabibili lamang ni alyas kamoteng Son ng isang brandnew Ford Ranger Wildtrak, nagbukas pa ng dalawang malalaking hardware sa probinsiya sa Mindanao at mga apartments para hindi matiktikan na ang salaping nasa volt niya ay hindi galing sa pangungulimbat.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ikinanta ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO na si alyas Bakulaw na baklita ay bumili rin ng bagong Ford Ranger Wildtrak, isang Montero Sport at haybol.

Nagtataka ang mga sumbungero, kung paano nila nababayaran ang mga pinagkukuha nilang mga luho sa katawan kung sa sueldo lamang nila kukunin ang pambayad dito.

Naku ha!

Ano ba ito?

Ito pa ang maganda, kalkalin kung paano sila nakaka-biahe going US of A at Japan. Hindi ba may utos si Boss Digong na silipin ang mga official ng gobierno na madalas sa abroad?

Ano ba ito? Paging, SoJ Boy Guevarra at Immigration Commissioner Jaime Morente. 

Para sa mga sumbungero, siguro panahon na para maghain kayo ng reklamo sa Ombudsman o mag-text sa 8888 para paratingin sa Malacañang ang gawain ng apat na kamoteng ito. Abangan!

Sayang si CPNP Oscar Albayalde

MUKHANG going down na sa puesto si Albayalde at hindi na nito siguro tatapusin ang kanyang mandatory retirement sa November 8.

Bakit?

Nakakaladkad ang pangalan nito sa isyu ng ‘di umano’y “recycling of illegal drugs”?

Bakit?

Mga dati niyang tauhan sa Region 3 ang nasasangkot sa isyu ng droga kaya kung tutuusin sabit siya sa “command responsibility”.

Ang masama pa may tsismis daw na tumanggap siya ng pitsa sa droga na nahuli sa isang raid sa Pampanga?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Malaking dagok ang nangyari kay Albayalde at naging talk of the nation ang mga balitang lumalabas kaya hindi lamang sa Philippines my Philippines kundi sa buong mundo sinusundan ito doon.

Ano sa palagay ninyo?

Kasuhan din kaya si Albayalde kahit magreretiro ito? Abangan.

BUREAU OF IMMIGRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with