Sunud-sunod na ang mga sunog
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

WALA pa man tayo sa Fire Protection Month magkakasunod na sunog na ang mga nangyayari partikular dito sa Metro Manila. Ang Star City na paboritong pasyalan tuwing weekends ng ating mga kababayan ay natupok ng apoy. Mas malakas sana ang hatak sa tao ngayong nala­lapit na ang kapaskuhan dahil maraming taga-probinsiya ang lumuluwas upang mamasyal sa Star City. Dito wina­waldas ng ating mga kababayan ang kanilang bonus o 13th month pay kasama ang buong pamilya.

Arson ang unang nakita sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Pasay City pero taliwas ito sa sina­sabi ng pamunuan ng Star City. Wala raw puwedeng gumawa ng sunog sa carnival. Mahirap ito dahil magkakontra imbis na magkaisa para malaman ang tunay na sanhi ng sunog. Tama nga sigurong electrical wire shor­tage ang nangyari. ‘Yan naman ang malimit na problema ng kahit saang carnival. Kulang sa inspeksiyon kaya nag­kakaroon ng ganitong klaseng problema.

At ang matinding problema ay nang tamaan ng kidlat ang rectifier ng LRT 2 at nagkaroon ng sunog sa Kati­punan Station. Kalbaryo na ng mga mananakay ang nang­yari. Kulang na lang tumira sa kalye ang commuters, mas maraming oras pa ang ginugugol nila sa paghihintay ng sasakyan kaysa pamamalagi nila sa kanilang tahanan. Marami riyan laging late sa trabaho. Meron ngang mga bus ng gobyerno pero kulang tapos susuungin pa ang matindik trapik sa daan.

Ano ba yan? Kung siyam na buwan ang aabutin bago maayos ang biyahe ng LRT aabutin ng siyam-siyam ang ating mga kababayan sa kahihintay ng masasakyan patungo sa kanilang mga trabaho at eskuwelahan. Dapat naman sana meron silang spare para kung may masira man ay meron agad mahuhugot na pampalit.

Itong mga pangyayaring ito ay walang dapat sisihin dahil sa natural causes. Mas pagtibayin na lang ang pag-iingat upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

FIRE PROTECTION MONTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with