Ano ang iniisip nito?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2019 - 12:00am

MAS lalong nakakabugnot! Ito ang pakiramdam ko nang mapanood ang ilang bahagi ng patuloy na pagdinig ng Senado sa kontrobersiya sa GCTA, BuCor at ninja cops noong Huwebes. Hindi ako makapaniwala kay Maj. Baloyo sa patuloy na pagdiin sa kanyang bersiyon ng isinagawang buy-bust sa isang subdivision sa Pampanga noong 2013. Nanindigan na mga 4:00 ng hapon ginanap ang pagsalakay sa bahay na inuupahan ni Johnson Lee dahil sa umano’y nagtutulak ng droga. Pero ayon sa napakaraming opisyal mismo ng PNP mga 10:00 ng umaga ginanap ang operasyon. Hindi inisip ang sasabihin ng mga guwardiya ng village. 

Sa bawat tawag sa mga nais magsalita hinggil sa naganap na operasyon, malinaw na nagsisinungaling si Baloyo at ang kanyang mga tauhan. Halos walang sinunod na tamang proseso hinggil sa operasyon laban sa suspected drug lord. Ang mga detalyeng pinaninindigan ay napaka­daling pabulaanan. Katulad na lang ng sinabi niyang may minarkahan silang pera na pambayad umano sa pagbili ng droga. Isangdaan na tig-P1,000 ang minarkahan daw. Pero noong ipinakita ang balita noon sa TV, dalawang bigkis ng tig-P500 ang “marked money”. Wala raw nakuhang pera pero ang dami sa ulat sa TV. Nagbanggit pa ng pangalan ng pulis na wala naman pala sa operasyon dahil hindi pumasok noong araw na iyon. Nagsalita nga ang isang retiradong pulis na nag-imbestiga sa operasyon at nagpahayag na puro kasinungalingan ang mga report ni Baloyo. Kaya “cited for contempt” si Baloyo at pinakulong sa Bilibid.      

Pinag-aaralan naman ngayon ng DOJ pati na rin ng PNP kung bubuhayin ang mga kasong kriminal at administratibo laban kay Baloyo at ang kanyang tauhan. Demotion lang ang naging parusa nila noon kahit mabigat ang kanilang ginawa partikular sa pagsisinungaling na malinaw ay may ibang pinagtatakpan. Batay sa mga ginawang imbestigasyon ay may isangdaan animnapu’t-dalawang kilo ng shabu ang hindi dineklara. Iba ang hinarap na suspek na ang hinala ay pinakawalan para sa milyong pisong halaga. At tinangay ang mga sasakyan  at pinagbebenta. Lahat iyan kailangang ilabas sa bagong imbestigasyon.

Hindi rin nakalusot si PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa pagbatikos ni Sen. Gordon. “You dropped the ball big-time on this one” ang halos isigaw ni Gordon kay Albayalde. At may katwiran si Gordon. Kahit may mga tumestigo na walang kinalaman si Albayalde sa ginawa ng kanyang mga tauhan noong hepe ng Pampanga PNP, dapat siya mismo ang nagsimula ng imbestigsyon laban sa kanila lalo na’t maraming nilabag na proseso ng PNP at may usap-usapin na ng iregularidad. Hindi rin naaangkop ang kanyang “pagkamusta” sa kanyang mga dating tauhan at dapat kinuwestyon ang kanyang pagtanggal bilang hepe ng Pampanga. Pero tulad ng ikinagalit ni Gordon, may chain of command, may due process at hindi puwedeng sabihin na “hindi ginagawa iyon sa PNP” tulad ng ipinahayag ng kanyang kapwa senador. Ano pala ang ginagawa sa PNP?

GCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with