Pagsisinungaling ni Baloyo
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2019 - 12:00am

LUMAWAK na ang pagdinig ng Senado sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at humantong sa “ninja cops’. Maraming natuklasan si Blue Ribbon Committee chairman Senator Richard Gordon kay Maj. Rodney Baloyo. Si Baloyo ang naging bida sa imbestigasyon dahil muk­hang aanga-anga kung sumagot at ibinabaling sa totoong pangyayari nang salakayin nila ang bahay ng drug lords sa Pampanga.

Sa pagtatanong nina Senators Gordon, Panfilo Lacson at Franklin Drilon, nagpatuloy si Baloyo sa nakalilitong kasa­gutan. Nang tanungin ito ni Lacson kung saan kinuha ang P100,000 na pang-buy bust, sagot ni Baloyo sa finance daw. Doon pa lang, nagduda na si Lacson dahil hindi ganun kadali ang pag-produce ng pera na wala man lang resibo.

Tinanong muli ni Lacson kung ilang oras nila isinagawa ang preparasyon ng operasyon, sumagot ito na mahigit isang oras. Agad tinanong ni Lacson kung namar­kahan o na ultra violet ang perang pang-buy bust, sagot ni Baloyo isa-isa nilang pinirmahan ang pera upang maging lehitimong ebidensya. Sabi ni Lacson sa pagprepara pa lang ng mga pera at pagbi-briefing hindi kaya ang isang oras.

Naibaling kay retired P/Maj. Manuel Gaerlan ang tanong. Sabi ni Gaerlan na puro kasinungalingan ang statement ni Baloyo. Doon na gumuho ang daigdig ni Baloyo dahil si Gaerlan ang inatasan noon ni General Petrasanta na mag-imbestiga dahil may lumutang na haka-haka na hindi lamang 38 kilos ng shabu ang nakumpiska nina Baloyo sa bahay ni Johnson Lee. Lumalabas na 200 kilo ng shabu ang nakumpiska. Pinatakas nila si Lee kapalit ng P50,000. Dahil sa pagsisinungaling, na-contempt si Baloyo at iniutos na ikulong sa New Bilibid Prisons.

Ang tanong, lalambot kaya si Baloyo at magsasabi ng totoo sa isinagawang buy-bust operation. Sasabihin na kaya niya kung sinu-sino ang mga nakinabang sa droga na kanilang tinapyas. Magiging mainit kaya ang pag-uusisa sa kredibilidad nina dating CIDG chief  at ngayon ay Baguio City mayor Benjamin Magalong, PDEA chief Aaron Aquino at PNP chief Gen. Oscar Albayalde.

Mga tauhan ni Albayalde ang 14 na pulis na iniimbestigahan sa pangunguna ni Baloyo. Nahalungkat kung bakit nasa puwesto pa ang mga ito gayung may order nang sibakin noong 2014. Sa halip na sibakin, demotion on rank lamang ang ipinataw at nakabalik sa puwesto. Nabigyan pa ang mga ito nang magandang trabaho. Lumalabas na sinalo ang mga ito ni Albayalde. Pero sabi ni Gearlan, walang alam si Albayalde sa trabaho nina Baloyo.

Abangan.

GCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with