^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hamon kay Bantag: Linisin ang BuCor

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hamon kay Bantag: Linisin ang BuCor

SABI ni President Duterte, wala siyang makitang “santo” para pamunuan ang marumi at inaanay sa katiwaliang Bureau of Corrections (BuCor) kaya ang pinili niya ay ang kontrobersiyal pero eksper­yensadong jail warden. Bago ang pagkaka-appoint kay Bantag na BuCor director, siya ay naglingkod na Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) director sa Mimaropa. Ayon sa Malacañang, pinili ni Duterte si Bantag dahil sa “professional compe­tence and honesty” nito. Nagsilbi si Bantag sa limang city jails sa Metro Manila.

Naging kontrobersiyal si Bantag noong Oktubre 2017 habang jail warden sa Parañaque. Isang granada ang sumabog sa selda na ikinamatay ng 10 bilanggo na pawang may kasong illegal drugs. Nag-isyu ng warrant ang Parañaque City court laban kay Bantag at dalawang tauhan nito dahil sa pagsabog. Ganunman, sa kabila na may kaso, inilipat siya sa Manila City Jail, kung saan naging kontrobersiyal na naman siya dahil 30 bilanggo roon ang grabeng nasaktan dahil sa riot. Nag-riot umano dahil gustong paalisin si Bantag sa puwesto.

Kung saan naroon si Bantag ay may nangyayaring kontrobersiya. At sa kabila nito, siya pa rin ang pinili ng Presidente. Naniniwala ito na magagampanan ni Bantag ang tungkulin sa makontrobersiyang BuCor. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-iimbestiga sa BuCor officials dahil sa katiwalian at sa isyu ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na naging dahilan nang paglaya ng may 1,000 bilanggo na may karumal-dumal na kaso. Kung hindi napigilan ni Duterte si dating BuCor Director Nicanor Faeldon, maaaring napalaya rin si dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Malaking pagsubok ang kinakaharap ni Bantag sa BuCor. Gawin niya ang utos ni Duterte na linisin ang marumi at batbat sa katiwaliang BuCor. Ipa­tupad ang malawakang revamp. Alisin mula itaas hanggang baba ang mga corrupt na opisyal, empleyado at guard. Huwag hayaang makapasok ang “tilapia”, droga, alak, sigarilyo at putulin ang 24-oras na sugalan.

Dito niya ipakita ang tapang. Kapag nagawa niyang linisin ang BuCor, tama ang Presidente na hindi nga santo ang dapat ilagay sa maruming BuCor.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with