China kinamumuhian na sa buong mundo
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2019 - 12:00am

BAWAT lahi ay may katangian na nagiging stereotype nila. Sinasabi, halimbawa na palamura at palainom ang Australians, dahil sa mga kanta nila na maraming ma­ru­ming­ salita at sa dating prime minister na beer-drinking­ champion.

Sinasabi rin na makata ang Russians dahil sa ugali nila na biglang tumayo sa mesa sa restoran para tumula. Prangka raw ang mga Amerikano dahil, ‘di tulad ng mga Pilipinong pahele-hele bago quiere, diretso nilang sinasabi­ ang nasa isip.

Maayos daw ang mga Hapon dahil uga­ling pinauuna ang iba sa pila, ibinubulsa ang basura hanggang sa bahay, at mabusisi sa pagpapabuti ng produkto at serbisyo. Pinakasulong sa teknolohiya raw ang Finnish­, dahil sa paggawa ng mahuhusay na cell phones, social media platforms, at online apps.

Sinasabi ng ibang lahi na pinaka-masisinop ang Pili­pinang nurses at caregivers dahil sa pag-aalaga nila sa mga pasyente. Pinaka-maabilidad umano ang mga em­ple­­­ya­dong Pilipino dahil sa husay magremedyo ng nasirang kaga­­mitan sa opisina o pabrika.

Merong mga lahing kinamumuhian ng mga Pilipino. Nariyan ang Indians na may superiority complex umano, at parating iginigiit ang sariling opinyon. Na-stereotype sila na may bitbit na payong, naka-bisikleta, at nagpapa­utang nang “five-six”, o P6 bayad sa P5 na hiniram. Nang dumagsa ang Koreans sa Pilipinas simula dekada-2000, binansagan silang mga bastos, maiingay, at pala-away. Ito’y napapansin umano sa mga restoran, shopping malls, sinehan, plaza, at tren.

Ngayong dumagsa ang Chinese sa Manila, nilalara­wan silang mayabang, walang-modo, insensitibo. Dahil daw ito sa kinalakihan nilang one-child policy, kaya lahat ay spoiled at makasarili. Bukod doon, hindi raw sila tinutu­ruan ng kabutihang-asal ng mga mamamatay-tao na pinu­nong Komunista. Puro tubo lang sa negosyo ang inaatupag, miski masama sa customer o kapaligiran ang produkto. Gan’un din ang tingin sa Chinese sa Europe, Africa, South America, Middle East, at Asia.

SOCIAL MEDIA PLATFORMS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with