^

PSN Opinyon

Ipagtanggol ang ating karagatan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINAG-ARALAN na ng Philippine Navy kung paano nila aaksiyunan ang paglalayag ng mga barkong pandigma sa loob ng ating karagatan nang walang paalam o pahintulot. Ilang barkong pandigma ng China ang lumayag sa loob ng ating karagatan na walang pahintulot at pinatay pa ang kanilang automatic identification system.

Sa madaling salita, ayaw ipaalam sa ating hukbong karagatan na lumalayag na sila sa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Bakit kaya? Ano ang layunin nila? 

Ang isang pamamaraan ay sasabayan ng ating barkong pandigma ang kanilang paglalayag habang nasa loob ng ating teritoryo, at sisiguraduhing lumalayag palabas na. “Shadowing” ang tawag dito.

Puwedeng sundan din ng ating eroplano. Isang aksyon din ay lumayag sa harap ng barkong tinutukoy, kilos na nagpapahiwatig na hindi na natin gusto ang kanilang paglalayag sa loob ng ating karagatan.

Sinundan nga ng isang barkong pandigma ng China ang bagong dating na BRP Conrado Yap mula South Korea. Ito ang pinakamalakas na barkong pandigma ng Pilipinas.

Sinundan mula Taiwan hanggang sa makapasok ang barko sa loob ng teritoryo natin. Siguro sinusukat ng barkong pandigma ng China ang kakayahan ng BRP Conrado Yap. Siguradong inisip na wala pa ring laban ang hukbong karagatan natin sa lakas-militar ng China.

Sinimulan ng nakaraang administrasyon ang palakasin ang hukbong karagatan sa pamamagitan ng pagbili ng mga modernong frigate mula sa South Korea at mga Hamilton-class cutters mula sa US. Tinutuloy ng admi­nistrasyong ito ang pagpapalakas sa pagbili ng BRP Conrado Yap.

Hinihikayat ko na ipagpatuloy ang modernisasyon ng Phlippine Navy, pati na rin ng Phlippine Air Force. Malawak ang teritoryong kailangang bantayan kaya mahalaga ang maraming barko at eroplano.

Hindi natin matatapatan ang lakas-militar ng China, pero hindi naman pwede ang bastusin na lang ang bansa sa pamamagitan ng paglayag sa loob ng ating teritoryo nang walang paalam.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with