^

PSN Opinyon

Sagutan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AGAD bumuwelta si Chinese Ambassador Zhoa Jianhua­ na paano pala kung sabihin nila na baka espiya rin ang mga OFW natin sa China. Hindi naman daw maganda kung mag-iisip ng ganyan. Ito matapos magpahayag ng pa­ngamba o pagiging hindi kumportable si Defense Sec. Delfin­ Lorenzana sa mga POGO na malalapit sa mga kampo ng bansa. Sino ang magsasabi na hindi sila gagamitin ng Beijing na mag-espiya sa bansa. Ang buwelta ni Zhao ay pinadala sa pamamagitan ng text kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“Preposterous” naman ang sagot ni Lorenzana sa pahayag, o text ni Zhao. Hindi puwedeng ihambing ang mga OFW nating nasa China sa mga POGO rito sa bansa. Mga lehitimong nagtatrabaho sa China na may mga visa. Wala rin daw mga lugar ang mga OFW sa China tulad ng mga POGO kung saan karamihan ng mga nagtatrabaho ay nasa isang lugar na ekslusibo sa kanila. Kalat-kalat ang mga Pilipino doon na hindi rin daw malalapit sa mga kampo-militar nila. At masasabi ko rin na nagtatrabaho ang ating mga OFW sa China sa mga trabaho na hindi naman iligal dito tulad ng POGO na iligal sa China.

Mukhang hindi magtatagal ay magiging problema ang POGO sa bansa. Maaaring hindi naman sa pag-eespiya, kundi dahil sa dami na nila na sa ngayon ay hindi naman pinipigilan ng administrasyon. Nasa 250,000 na ang mga Tsinong nasa mga POGO, na hindi malayong madagdagan pa. Nagpapahayag ng pangamba ang Defense secretary tungkol sa sitwasyon na tila hindi binibigyan ng halaga ng Palasyo. Nagkakasagutan na nga sina Sen. Lacson at Panelo hinggil sa pagiging tagapagsalita niya umano ng embahada ng China.

Mabuti naman at may nagpapahayag ng pangamba kaysa naman sa wala. Trabaho naman ni Lorenzana ang seguridad at pagtatangol ng bansa mula sa mga kalaban sa loob at labas. Kung hindi kumportable o may pangamba ang Defense secretary, dapat siguro makinig bago isantabi.

vuukle comment

ZHOA JIANHUA­

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with