^

PSN Opinyon

Isko, good precedent at good (future) President

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SABI ng kaibigan kong impressed sa ginagawa ng bagong Mayor ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso, dapat daw bigyan ng concurrent capacity ang alkalde bilang Chair­­man ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Magandang suhestyon pero sa tingin ko’y hindi na ka­ilangan. Kahit kasi hindi siya MMDA Chief, lahat ng mga Alkalde sa mga bayan at lungsod ng Metro Manila at buong bansa ay tinutularan na ang kanyang ginagawang paglilinis sa mga lansangan at bangketa sa mga obs­tructions tulad ng mga illegal vendors at mga sasakyang nakaparada kahit saan. 

Siyempre may mga galit kay Isko, partikular na yung mga naalis sa  comfort zone na kanilang nakagawian dahil kinunsinti sila ng mga nakalipas na administrasyon. Pero hindi naman sila dapat kunsintihin kung interes ng naka­rarami ang nakataya.

Kung hahawak ng dalawang posisyon si Isko, baka hindi na siya maging ganoon ka-epektibo porke mahahati ang kanyang atensyon. Ang husay ng kanyang pamumuno ay nakikita sa pagsunod sa kanyang magandang ginagawa ng kapwa niya alkalde sa ibang dako ng bansa. Kung baga, moralsuasion ang ginawa ni Isko. Naliwa­nagan ang mga alkalde na tila nga nagkukulang sila sa wastong implementasyon ng batas.

Pati nga sa mga residential areas, mismong mga may-ari ng mga tahanan ang nagkukusang gibain ang kanilang mga ilegal na istruktura gaya ng pagsaklaw nila sa mga easement o bangketa dahil nagtayo sila ng garahe o exten­sion ng tahanan. Sabi ng iba, gumagawa ng kaaway si Isko. 

Talagang ganyan kung estrikto mong ipatutupad ang batas. Yung mga dati nang lumalabag dahil walang sumi­sita sa kanila ay pihong magagalit sa kanya. Pero kailan ba naging mali ang magpatupad ng reglamento? Ang batas ay binuo sa kapakanan ng lahat ng tao at hindi upang masiyahan lang ang Ilan.

Tama si Isko. Para malutas ang ganyang problema sa mga street obstructions na dahilan ng pagsikip ng trapiko, isa lang ang solusyon. Huwag tatanggap ng suhol ang mga opisyal ng gobyerno mula sa mga barangay pataas. Kung magtutuloy-tuloy ang mga mabu­ting ginagawa ni Isko at mananatili siya sa moral­ standard na kanyang tinutuntungan, puwedeng-puwede siyang maging Presidente ng Pilipinas sa hinaharap.

vuukle comment

ISKO MORENO DOMAGOSO

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with