Hindi bawal?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

SA talumpati ni Pres. Rodrigo Duterte sa Camp Crame noong Biyernes, wala raw masama kapag tumanggap ang pulis ng regalo bilang pasasalamat sa kanilang gina­wang serbisyo. Hindi raw ito suhol. Kalokohan daw ang pagbawal niyan. Alam daw niya ang kahirapan ng mga pulis dahil dalawang dekada siyang mayor ng Davao City at walong taon na  prosecutor. Hindi rin daw bawal kung magpatakbo ang pulis ng video-karera na pandagdag sa kinikita.

Pero hindi ba’t dinoble na nga ang sahod ng mga pulis? Kulang pala iyon kaya okay lang ang may sideline na video karera na noong araw ay sinisira ng mga pulis ang mga makinang iyan. Kung ganun, kahit sino na ba ay puwedeng magpatakbo ng video karera, o mga pulis lang? Kung ganun, kahit sino sa gobyerno ang puwedeng tumanggap ng regalo o pasasalamat, o mga pulis lang?    

Ayon sa Republic Act No. 6713 Sec. 7d, “Public offi­cials and employees shall not solicit or accept, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value from any person in the course of their official duties or in connection with any operation being regulated by, or any transaction which may be affected by the functions of their office.” Hindi ko na isinalin sa Filipino para hindi ako magkamali. Ang mga pulis at militar ay saklaw ng R.A. 6713.

Ang intindi ko sa batas na ito, bawal nga ang tumanggap ng kahit anong uri ng regalo para sa kanilang gina­wang tungkulin. Maaaring mali ako dahil hindi naman ako abogado, pero ganyan nga ang pagkakaintindi ko. Tungkol naman sa pagpapatakbo ng mga pulis ng video-karera, wala akong masabi. Ano ang pipigil sa kanila na magpatakbo ng ibang uri pa ng sugal at sabihing pandag­dag lang sa kita? Ang ordinaryong sibilyan ba ay papa­­yagan na rin magpatakbo ng video-karera? Mahirap ang ipinahayag na ito ng Presidente. 

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with