Lagot si Titser
IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

(Huling bahagi)

HINATULAN pa rin ng RTC si Rosa sa kasong child abuse (Section 10, a, Article VI, RA 7610) at ang parusa ay apat na taon, dalawang buwan at isang araw na kulong hanggang anim na taon at isang araw. Pareho ang naging hatol ng CA pero hinabaan pa hanggang sampung taon at isang araw ang sentensiya.

Inapela pa rin ni Rosa hanggang Supreme Court ang kaso at ang kinakatwiran ay paraan lang ng pagdi­disiplina ang ginawa niya kay Ronnie bilang guro nito. Para daw ito sa ikabubuti ng bata dahil siya ang tumatayong pangalawang magulang sa eskuwelahan.

Pero hindi naniwala sa kanya ang SC. Ayon sa SC, kahit pa siya ang titser ng bata at karapatan niya na disiplinahin si Ronnie ay wala siyang karapatan na saktan ang pobre. Ang pananakit niya ay higit sa kinakaila­ngan, sobra-sobra at sadyang marahas. Ang labis na pagmamalupit/pagmamaltrato sa bata ang mismong ipinagbabawal sa Family Code (Art. 233) o ang tinatawag na corporal punishment. 

Katunayan na labis ang ginawa niya sa bata ay ang mismong resulta ng medical report ng doctor na sumuri kay Ronnie. Hindi makatao at sadyang nakakaawa ang dinanas ng bata sa kanyang kamay.

Malinaw na child abuse ito sa ilalim ng Sec. 3(d),2, RA 7610 kaya dapat lang siyang parusahan lalo at nalaman na may iba pa siyang kaso ng pang-aabuso sa bata (Rosaldes vs. People, G.R. 173988, October 8, 2014).  

JOSE C. SISON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with