^

PSN Opinyon

Batangas, pugad ng ‘paihi’ operation!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Naging pugad na ng “paihi” operation itong probinsiya ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto. Hindi na n’ya maitanggi ito. Kasi nitong nagdaang mga araw mga kosa, na­aresto ng mga tauhan ni CIDG director Maj. Gen. Robert Morico ll ang pito katao at nakumpiska ang P62 milyong halaga ng gasolina at kagamitan sa isinagawang raid sa Bgy. Wawa, Batangas City. Kaya pauga-uga na naman sa puwesto n’ya si Batangas provincial director Col. Oliver Ebora. Matatandaan na sinibak ni Santos-Recto ang pina­­litan ni Ebora na si Col. Meliton Salvadora matapos ang da­la­wang raid sa “paihi” operations sa Batangas. Kaya nanganganib na si Ebora. Anong sey n’yo mga kosa? Kaya siguro hindi maikumpas ni Santos-Recto ang kamay na bakal n’ya laban sa “paihi” dahil ang nasa likod nito ay si alyas Roy, na miyembro ng isang religious sect? Maraming ginagamit na front itong si Roy para maiwasan n’yang madamay s’ya sa mga kaso. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Morico na ang naarestong mga suspects ay residente ng Batangas, Davao, Palawan, Navotas, Leyte, at Cebu. Tsk tsk tsk! Puro may ‘paihi” operations ang mga lugar na ‘yan ha? Ayon kay Morico ang mga suspects ay sangkot sa pagbenta at trading ng petroleum products na walang sapat na lisensiya o awtoridad sa nararapat na sangay ng gobyerno. Kaya’t maliwanag na ito’y paglabag sa Presi­dential Decree 1865 which amended to BP 33 para i-address ang lumalalang unfair trade pactices sa petroleum products. Ipinahayag pa ni Morico na pinoprotektahan lamang ng kanyang command ang interes ng publiko at national security sa paghabol nila ng “paihi” operations saang panig man ng Pinas. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Inamin ni Morico na itong “paihi” operation ay maaring maging ugat ng malakihang pagsunog at pagsabog na ang palaging apektado ay ang komunidad. Aniya, itong adulte­rated na gasoline ay nakakasira ng makina ng mga sasakyan at ninanakawan nito ng pitsa ang mga consumers na Pinoy. Araguyyyyy! Sa pakipagtulungan ng Department of Energy, nangako si Morico na hindi nila tatantanan ang negosyong “paihi” saang sulok man ito ng Pinas. Anong sey n’yo mga kosa? Hinikayat ni Morico ang publiko na ireport kaagad ang “paihi” operation sa kanilang lugar para masawata ito bago makadisgrasya sa komunidad. Mismooooo!

Pinuri ni Morico si Col. Ganaban Ali, chief ng CIDG RFU4 dahil sa paglinis nito ng lugar ni Gov. Santos-Recto ng illegal na “paihi.” Abangan!

VILMA SANTOS-RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with