^

PSN Opinyon

Probinsiyano kasi

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

ANG bangayan ngayon sa pagitan ni President Duterte at Senator Richard “Dick” Gordon ay medyo mainit na nga at nagkapersonalan na ang kanilang palitan ng maaanghang na salita.

Sa tinagal-tagal kong pag-cover kay Duterte kahit noong mayor pa siya rito sa Davao City kasali na roon ang mga panahon na may katunggali siya at ‘yung awayan nila ni dating House Speaker Prospero Nograles na pumanaw kamakailan lang.

Ipinamukha kasi ni Dick na probinsiyano si Duterte kaya mababaw ang bench niya at kaya siya nagre-rely sa military.

“Ang problema lang kay Presidente, mababaw ang bench niya. He comes from the province, hindi niya nakilala. So, mas nagre-rely siya sa military,” Gordon said in an earlier  statement.

Sa tingin ko balewala na sana ‘yun kay Duterte kung punahin mo ang choice niya na former military officers sa kanyang Cabinet at maging mga na-assign niya sa mga sensitive positions.

Kasi nga inaamin naman yan ng Presidente na komportable siyang makatrabaho ang mga ito dahil dumaan na rin sila ng Davao noon sa kanilang mga assign­ment.

At ito ay opinyon ko lang din kung bakit sumagot din si Duterte na para na ring nangungutya kay Dick dahil sa salitang “probinsiyano”.

Kasi nga para mo na ring sinasabihan si Duterte na hindi sapat ang kanyang kakayahan bilang Presidente dahil nga probinsiyano lang siya.

‘Yun na nga e. Probinsiyano nga si Duterte ngunit Presidente rin siya ng Pilipinas.

vuukle comment

RICHARD “DICK” GORDON

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with