Kapag lokal, aksiyon agad
REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

SI President Rodrigo Roa Duterte ay mas desidido kumilos kaysa sa mga nauna nating naging Pa­ngulo. Tiyak may kinalaman dito ang kanyang karanasan bilang dating Ehekutibo ng kanyang lungsod.

Kapag ihambing ang liderato ng isang local government executive kontra sa mga lumaki sa serbisyong national, lalo na kung lehislatibo ang dinaanang ruta ng huli, napaka­lawak talaga ng agwat. Ang sanay sa executive, sanay sa aksiyon. Sa maikling terminong 3 years, hindi uubra ang lalamya-lamya. Kikilos ka. Kung hindi, sibak agad. 

Kilala ang ganitong determinasyon sa bansag na “poli­tical will”. Kapag ika’y may karanasan bilang punong bayan/lungsod/lalawigan, ganito ang dadalhin mong kata­ngian sa pamumuno. Bago ang panahon ni Presidente Digong, huli natin itong nakita noong panahon ni Pres. Erap Estrada. Maaalala ang kanyang paninindigan noon laban sa MILF kung saan ang kanyang desisyong “all out war” ay humantong sa kanyunan sa Camp Abubakar. 

Iba ito sa mga pinunong hango sa Kongreso o sa Senado. Ang mga istilo nito ay mas mahinahon at mapa­­sensya. Aalamin muna ang pananaw ng lahat ng kina­­u­u­kulan bago kumilos. Napahahalagahan ang opinyon ng lahat. Ang problema naman ay mas bumabagal ang pag­­gawa ng desisyon. Ganito ang modelo nina Pres. Noynoy Aquino at Pres. Gloria Macapagal-Arroyo.

Bentang-benta sa atin si President Duterte dahil aksiyon agad. Para bang naiinip na tayo na hindi agad nangyayari ang mga repormang pangako tuwing kampanya. Oo nga’t dama ang kanilang pagpursigi at alam naman natin na maraming hamon at pagsubok na dadaanan. Subalit masisisi ba tayo kung humanga sa may naipapakitang resulta kaysa roon sa pinag-uusapan lang ang resulta?

Sa Amerika, sa nakalipas na halos kalahating dekada, kung hindi senador ang naging Presidente, malamang galing ito sa pagiging gobernador. Sa Pilipinas, sina President Duterte at President Estrada ang mga nagsilbing mayor. Bago sila, sina President Garcia at President Roxas ay dati ring nmga gobernador. Si Roxas ng Capiz at Garcia ng Bohol. Si PRRD ang kauna-unahang dumiretso mula sa pagka-mayor tungo sa pagka-Presidente. 

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with