May masamang aspeto
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

MATUTULOY na ang pag-iimbestiga ng Pilipinas at China sa banggaan sa Recto Bank, kasama ang isang “neutral country”. Unang tinutulan ni DFA Sec. Teodoro Locsin ang pag-imbestiga kasama ang China dahil paglabag daw sa soberenya ng bansa. Maraming tumutol dahil maaabsuwelto lang ang China. Pero matutuloy na dahil tinanggap na ni President Duterte ang alok ng China na imbestigahan ang insidente. Sumang-ayon na rin si Locsin. Anong bago riyan?

Hindi ko maintindihan kung bakit minamaliit ng gobyerno ang insidente sa pamamagitan ng mga unang pahayag ng ilang miyembro ng Gabinete na nasagi lang ang bangkang F/B Gem-Ver 1 ng mga Pilipinong mangingisda. Kung nasagi lang, bakit lumubog ang bangka? Parang sinabi na nasagi lang ang sasakyan pero tanggal na ang makina. Bakit hindi iginigiit ang sadyang pag-iwan sa kanila ng mga Chinese kung ito ang mas masamang aspeto ng insidente? Wala nang katotohanan na kaya umalis ang barko ng China ay dahil natakot sa pito o walong bangkang Pilipino na pumaligid sa kanila. Alam ng China na wala silang depensa sa pag-iwan ng kanilang barko sa mga Pinoy na kailangan ng tulong. Malamang ito ang hindi bibigyan ng halaga ng China kapag nagsimula ang imbestigasyon.

Ano kaya ang pinag-usapan ng mga mangingisda nang dalawin sila ni Vice President Leni Robredo? Ano kaya ang ka­nilang saloobin sa mga pangyayari, pati na rin ang mga pangyayari nang pumasok na ang administrasyon? Walang inilabas na pahayag si Robredo at mga mangi­ngisda kundi komportable raw sila habang kinakausap ang Vice President. Sana ay isapubliko pero naiintindihan ko kung bakit hindi ginawa dahil oposisyon si Robredo at hindi bibigyang halaga ang sasabihin.  

Kapansin-pansin na pagkatapos kausapin ni Agriculture Sec. Manny Piñol ang mga mangingisda ay isa na ang kanilang pahayag na hindi na sigurado kung sadya ang pagkabangga sa kanila at nagpalitrato habang labas ang kamao na simbolo ni Duterte. Minaliit pa ang pagsagip ng mga Vietnamese sa kanila sabay pahayag na ang mga ito ay hindi raw dapat nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Eh bakit sa China wala silang kaparehong pahayag na bawal din sila sa loob ng EEZ? Wala ring paliwanag kung bakit may mga pulis na naka-anti-riot gear sa labas ng bahay ng kapitan ng Gem-Ver. Kaya hindi masisisi ang marami sa paniniwala na kinundisyon na sila na dapat iisa lang ang kanilang pahayag sa aksidente. Pero bakit nga iniwan ng Chinese vessel ang mga Pinoy? Hindi ba kaya umaalis ang nasasangkot sa aksidente ay dahil alam na may kasalanan sila?

RECTO BANK TEODORO LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with