Pigilan ang pag-abuso sa PWD, senior cards
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

SIMULA nitong 2019 bibigyan ng gobyerno ang mga maralitang senior citizens ng P500 kada buwan. Malaking tulong: makakabili ng 15 kilo ng bigas ang P500. Nakalaan ang P23.2-bilyong buwis para rito. Enero pa dapat nagsimula, pero naantala sa bangayan tungkol sa national budget, kaya ihahabol na lang. Department of Social Welfare and Development ang maglilista ng mga tatanggap.

Sinupin dapat ng DSWD ang pagtatala ng maralitang seniors. Huwag sanang masingitan ng peke, tulad ng mga manlolokong nailista sa 4-Ps na buwanang pamigay ng DSWD sa mga maralitang pamilya. Masasayang ang pera ng bayan at masisira ang programa sa scams.

Maraming umaabuso sa tulong ng gobyerno. Nakakapanggigil na may mga wala pa sa edad-60 pero may hawak na senior cards -- at mga may kaya pa man din sila. Naka­kita ako ng ganyan sa Dipolog -- local official at driver niya na parehong nakaka-senior discount pero edad-55.

Pati Person With Disability ay inaabuso. May grado lang na 300 ang mata ay nakakakuha ng card, maski malinaw ang paningin kapag naka-salamin. Tinuturing ng ophthalmologists na malala ang visual acuity kapag 20:70 lang ang nakikita. Meron din nagkaka-PWD card sa pagpapanggap ng psychosocial disability. Kunwari’y nade-depress kaya hindi makapagtrabaho, kaya kailangan kuno ng PWD discount privileges.

Lahat kayang abusuhin. Nakakita ako ng donya sa ospital sa Angeles City na kumukubra ng tulong sa Philippine Charity Sweepstakes Office; napagkakaitan ng tulong ang mga tunay na maralita. Sa Philhealth nagka-racket noon ng pekeng pasyente at sakit sa ospital; bilyong-piso na ang natangay bago matiklo. Sa SSS at GSIS maraming pribadong kompanya at ahensiya ng gobyerno na hindi nagre-remit ng ibinawas sa suweldo ng empleyado o counterpart contribution ng employer. Sa Pag-IBIG nakakalusot ang umutang sa buwanang hulog. Sa Veterans pension may kumukubra miski dekada nang patay ang beterano.

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with