^

PSN Opinyon

Suwerte sa matandang mayaman

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

BILANG sagot sa kasong sinampa ni Ella, palusot nina Leslie at Tristan ay wala raw bisa ang kasal ni Mario sa babae dahil may diperensiya na sa pag-iisip ang matanda o may senile dementia. Mas lumala pa nga raw ang sakit nito bago ang kasal matapos ang ilang linggo nang bombahin ang kanilang probinsiya. Tinanggalan din daw ng kalayaang mag-isip si Mario dahil sa kanyang katandaan at sakit kaya hindi na siya halos makapagsalita nang matino at ginamit lang ni Ella ang pagkakataon para takutin na lalayasan siya. Kaya dahil sa panloloko ni Ella ay napilitang magpakasal sa kanya si Mario. Wala rin daw kakayahan si Mario na magkaanak dahil baog na ito.

Ayon sa mababang hukuman, legal at may bisa ang kani­lang kasal dahil sa ipinakitang marriage license at marriage contract. Dineklara rin na hindi baog si Mario at anak niya sina Nathan at MJ pero ang bunso lang ang lehitimong anak dahil hindi kinilala si Nathan at hindi nila nagawa ang kaukulang papeles para siya kilalanin bilang legal na anak pagka­tapos nilang magpakasal at noong nabubuhay pa si Mario.  

Ang desisyong ito ay kinatigan ng Supreme Court. Ayon sa SC, ang marriage license at marriage certificate ang pinakamabisang ebidensiya ng kanilang kasal. Opisyal na dokumento ang mga ito at hindi basta mababalewala ma­liban na may matibay at kapani-paniwalang testimonya. Sa kasong ito, masyadong mababaw ang salaysay na ibi­nigay nina Paz at Tristan. Wala ring ibinigay na eksaktong panahon. Ang matandang si Mario, kahit pa mukhang mahina ay nasa matinong pag-iisip pa rin ayon sa paring nagkasal sa kanila at nagpatunay sa marriage contract at marriage license kung saan matatagpuan ang pirma ni Mario. Hindi basta mapipirmahan ng isang taong wala sa katinuan ang mga papeles. Isa pa, hindi mapapatunayan na walang kakayahan ang nagpakasal kung ang basehan lang ay katandaan, kahinaan ng katawan, diperensiya sa pag-iisip, pag-uulyanin o kakatwang kilos ng tao kahit pa pagsama-samahin ay kulang bilang pruweba ng kawalan ng kaka­yahan ng isang tao na magpakasal.

Pero si MJ lang ang kinilala ng SC bilang lehitimong anak dahil ipinanganak siya sa loob ng 180 araw pagka­tapos ng kasal pero wala pa sa 300 araw pagkatapos ng pagkamatay ni Mario at ayon sa batas ay ituturing na legal na anak ayon sa batas (Rule 123, section 68 – Rules of Court). Tungkol naman kay Nathan, hindi siya maaaring gawing lehitimong anak dahil lang sa pagpapakasal ng kanyang mga magulang dahil nga hindi siya kinilala ng ama noong nabubuhay pa. Hindi na rin puwedeng pag-aralan pa ang kaso dahil hindi na inapela ni Ella ang usapin. Kaya sinang-ayunan ng SC ang lahat ng aspeto ng desisyon ng mababang hukuman (Probate of the Will of the late Faustino Neri San Jose, Paz Neri San Jose, Petitioner Matilde Menciano etc. vs. Paz Neri San Jose and Rodolfo Pelaez, G.R. L-1767, May 28, 1951). 

vuukle comment

CRIME

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with