Opinyon ni Imee sa pinsang si Martin
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2019 - 12:00am

NAGULAT ako sa pahayag ni Senator-elect Imee Marcos­ tungkol sa kanyang pinsang si Leyte Rep. Martin Romualdez na aspirante sa pagka-House Speaker. Sa isang interview sa ANC TV, parang tinapos ni Imee ang ambisyon ng sariling kaanak. Pero tingin ko, nagbibigay lang siya ng scholarly analysis sa sitwasyon ngayon sa Kamara de Representante, at mukhang may katuwiran naman.

And I believe her statement holds much water. Sa ganyang labanan for leadership sa Senado man o Lower Chamber, laging importante ang dami ng mga kaalya­dong susuporta sa iyo. Wika nga, politics is always a game of numbers. Kaya sa aking palagay, katakut-takot na “panli­ligaw” at suyuan ang gagawin ni Rep. Martin, crossing party lines para makuha ang supporta mula sa ibang partido.  Ngunit wala tayong nasisilip na namumuong “coalition” na papabor kay Martin, gaya nang binuo ni Joe de Venecia nang siya’y kongresista pa. Kung meron man, sa iba naka­kiling ito.

Sabi ni Imee, “realistically speaking” mahihirapan si Rep. Romualdez dahil kakaunti ang mga nanalong kongresista ng LAKAS na kanyang partido. Sounds logical. Siyempre sa ganyang laban, kailangan ang supporta ng mga kapartido. Mukhang ang paligsahan sa speakership ay sa pagitan lang nina Cong. Lord Allan Velasco at Alan Peter Cayetano. Normally, kung sino ang kikilingan ng Ma­lakanyang, yun ang malaki ang tsansang manalo. 

Natural lang na sinasabi ng sino mang Pangulo na hindi sila manghihimasok sa pagpili ng liderato ng dalawang chamber ng kongreso para ingatan ang image ng lehislatura na malaya ang kaisipan. Dagdag ni Imee - kung sino ang pa­nigan ng Pangulo, yun ang posibleng  manalo dahil kadalasan sumusunod lamang ang mga kongresista sa nais ng pangulo hindi tulad sa senado na independent minded.

Batay sa mga nakakalap na balita, maraming kongresista na kasapi sa LAKAS at PDP-LABAN ang lilipat sa NUP o National Unity Party kaya mukhang lumiliyamado si Alan Peter Kapag naganap ito. Bakit ko nasabi iyan?

Kasi, ang  NUP ay nagpalabas na ng statement noon pa na si Cayetano umano ang kanilang susuportahan na maging speaker. Ngunit walang kaseguruhan ang politics na pabagu-bago ng kulay. Mag-abang na lang tayo at umasang mailuluklok yung pinakaangkop na mamumuno sa dalawang kapulungan ng ating pinagpipitaganang kongreso.

HOUSE SPEAKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with