Ibalik ang death penalty
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

SA katatapos na election, karamihan sa mga nanalo ay kapanalig ni Pres. Digong Duterte. Kung maalala n’yo meron­ siyang dalawang priority bills na pinangako noong kumakandidato pa lamang siya bilang Presidente. Nga­yong nasa kalahati na siya ng kanyang termino ay naka­bitin pa rin sa ere ang kanyang dalawang isinusulong na batas. Sa kadahilanang kulang sa puwersa ng kanyang mga tao sa Kongreso kaya hindi maisulong ang Fede­ralismo at death penalty.

Ngayong mas nananaig na ang mga isinusulong niyang batas dahil mas marami na siyang kakampi sa kongreso. Mas maigi kung bigyang prioridad ang death penalty. Para sa akin sa iba’t ibang krimen na nangya­yari ngayon sa bansa ang mga naglulutangang droga sa ating karagatan ay nagpapahiwatig lamang na bigyan ng ngipin ang ating batas. Sinabi ko sa mga nakalipas na kolum, bitay lamang ang makapagpapatigil sa mga taong gumagawa ng karumal-dumal na krimen.

Sana sa pag-upo ni Sen. Ronald dela Rosa huwag niyang biguin ang mga taong pinangakuan niya noong kampanyahan na kapag siya’y nanalo isusulong niya ang death penalty sa bansa. Palagay ko ‘yang plataporma niyang iyan kaya lumakas o naging matunog ang kanyang pangalan.

Alam naman ni ‘Bato’ dela Rosa kung gaano kalala ang krimen ngayon at walang hanggang pagdaloy ng droga sa ating bansa, kaya umaasa kaming mamamayan at panghahawakan namin ang iyong pangako na malulutas ang krimen at droga sa ating bansa.

Marami mang humadlang andyan ang simbahan at CHR pero mas malakas ang panawagan ng taumba­yan. Diba kaya ito pinahinto noong panahon ni Gloria­ Arroyo dahil siya ay isang sagradong Katoliko? Pero anong nangyari sa ating bansa nang ma-abolish ang death penalty?  Tambakan ng droga rito pa mismo nagtayo ng mga laboratory at walang pakundangang patayan, kidnapan at nakawan ang nangyayari.

Suportado ko ang kasabihang “An eye for an eye!

DEATH PENALTY RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with