Imbestigasyon sa BI, nilumot na
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MAY line-up na diumano ang BI-central office ng mga babalasahin na mga tauhan ng Bureau of Immigration sa mga international terminals sa NAIA pero ang mga masisibak lamang dito ay ’yong mga walang padrino sa bureau?

Naku ha! 

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakasalansan na ang mga pangalan ng sisibakin dahil ‘ready’ on the go na sila oras na maalis ang election ban? Tama ba, Atty. Jessie?

Ano sa palagay mo?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung talagang may balasahan sa BI-NAIA dapat lahatin ito at walang itira.

Ika nga, palitan lahat!

Kambiyo issue, sumabog kasi na may malalimang korap­syon sa BI nang mapansin ng ilang politiko ang sandamakmak na Chinese nationals na nagtatrabaho sa ilang piling lugar sa Metro-Manila kaya concern sila na baka ang madlang Pinoy ang mahirapan at  mawawala ng trabaho sa sarili nilang bayan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga BI officials ang kumita at nagkamal ng malaking halaga ng salapi dahil sa pag-iisyu ng mga ‘special working permit’ at iba pang visa na ibinigay sa mga Chinese kapalit ng pera? Kaya naman ang mga nakakuha ng visa na iniisyu ng kurap officials ng bureau sa kanilang satellite offices ay super yaman na ngayon. Anong say mo, Atty. Jessie Boy?

Ano nga pala ang nangyari sa imbestigasyon?

Nasampahan ba ng kaso ang mga sangkot sa katiwalian?

Mukhang inilibing sa hukay ang pagbusisi sa mga sangkot sa katiwalian. Tama ba, Atty. Jessie Boy?

“Ang pagkalkal sa isyung ito ay mukhang natigil dahil may mga nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan para huwag ng sumabog at makarating pa kay Boss Digong ang katiwaliang nangyari,” sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi nga, parang inilibing sa limot ang imbestigasyon dahil maraming tatamaang opisyal na dinaanan umano ng ‘kuarta’ ga­ling sa mga Chinese nationals?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang tinaguriang ‘tatlong itlog’ sa Bureau of Immigration na super lakas at pinagkakatiwalaan ng isang opisyal dito ang kumita ng malaking halaga kaya ang isa sa tatlong itlog ay nagpagawa ng kanyang mansion at bumili ng mga bagong sasakyan, lupa, alahas at nag-girlfriend pa sila ng mga batang magagandang bebot sa bureau sa pangakong ipo-promote sa mga juicy position dito. Alam ni Atty. Jessie Boy ito!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakaligtas sa pangangalkal ang isa sa tatlong itlog na sangkot sa pera, pera patani sa isyu ng special visa at iba pang visa na ibinigay sa mga Chinese nationals. Samantala, ang dalawang sabit ay pinalamig muna para hindi uminit ang bossing nila.

“Sana huwag tantanan ni Senator Joel Villanueva ang isyung pinasabog niya para maparusahan ang mga nagsabwatan,” sabi ng kuwagong sipsip.

Abangan.

Wreckage ng Beechcraft Baron 55, nakitang palutang-lutang

PINAGTIAGAAN ng mga autoridad na hanapin ang isang  Beechcraft Baron 55 trainer aircraft na nawawala matapos itong lumipad last Friday morning  sa San Jose Airport, kaya the other day ay nakita ang wreckage nito sa may 43.52 km, sa timog ng Mindoro Straight.

Sa ginawang search and rescue operation, nakita ng isang Cessna Caravan seaplane ang isang bag na may pagkaka­kilanlan ng piloto nitong si Capt. Jose Nelson Yapparcon, 30NM R160 ng San Jose.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang paghahanap sa karagatan, nakita rin ang mga maliliit at malalaking bahagi ng nawawalang aircraft ng Orient Aviation Corportation na palutang-lutang sa tubig.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa matiyak ang kinaroroonan nina Capt. Yapparcon at student pilot Saudi national Abdullah Alsharif.

Ang CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board investigators ay nagtungo sa crash site upang magsagawa ng imbestigasyon at matukoy ang sanhi ng insidente.

Sana makita agad ang dalawang sakay ng eroplano!

Abangan.

BUREAU OF IMMIGRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with