Lumampas na
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2019 - 12:00am

NI-RECALL ang ambassador at consul ng Pilipinas sa Canada, matapos lumampas ang Mayo 15 na taning para kunin ang 69 containers ng basura na dinala sa bansa noong 2013. Bawal magpadala ng basura sa anumang bansa, kaya ang basura ng Canada ay naging isyu sa pagitan ng Pilipinas at Canada. Nang magtungo sa bansa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau, nangakong aayusin ang gusot pero wala rin.

Hindi ko alam ang magiging epekto nito sa relasyon ng dalawang bansa. May mga nagsasabi na walang epekto sa kalakalan at sa mga OFW doon. Ang consul naman natin sa Canada ay patatakbuhin ng ilang tauhan habang hindi naaayos ang isyu. May mga embahada at konsul naman daw sa US, sakaling magtagal ang problema.

Ang aksiyon ay para ipakita sa Canada na seryoso na ang administrasyon sa isyu. Nagdeklara pa ng “digmaan” si President Duterte sa Canada kung hindi kukunin dito ang basura. Sinang-ayunan ito ni DFA Sec. Teddy Locsin. Seryoso raw ang gobyernong ito at handang gawin ang pahayag ni Duterte. Hindi ko alam kung may kakayanan ang bansa para labanan ang Canada, sakaling magdeklara nga ng digmaan. Kung maganap iyan, talagang madudurog na ang relasyon ng dalawang bansa. Baka kailangang pabalikin na ang mga OFW doon. Sana huwag.

Hinihintay ang aksiyon ng Canada. Sana, kunin na nila ang basura. Tayo ang agrabyado. Malinaw na pambabastos kung sino man ang nagpadala ng basura. Wala na silang mabibigay na dahilan kung bakit hindi puwedeng bawiin. Hindi tapunan ang Pilipinas. Ito na rin ang mensahe sa mga bansang nagtatangkang magtapon ng basura sa atin.

JUSTIN TRUDEAU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with