Mga pangako
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2019 - 12:00am

MAY bagong mayor sa Maynila. Tinalo ni Isko Moreno si Joseph “Erap” Estrada. At ang unang ipatutupad na pangako ni Moreno noong kampanya ay ang paglinis ng Maynila, na sa tingin niya ay “dugyut”. Nais linisin, paliguan nga raw ika nga, para maging mas kaakit-akit sa mga negosyante, pati na rin turista.

At totoo nga. Maraming lugar sa Maynila na napaka­rumi. Maraming nagtitinda sa kalsada lang, kaya mahirap maglakad. Makasaysayan ang Maynila, kaya tama lang na pagandahin. Sayang at may mga kilalang gusali, rebulto o palatandaan na giniba na, para raw lumuwag o maayos ang siyudad. Naayos nga ba?

Ang isang proyektong pinlano ay ang paglinis ng Manila­ Bay. Hindi ko alam kung ang pambansang pamahalaan ang gagawa nito, o ang siyudad ng Maynila. Pero ganun pa man, may partisipasyon sigurado ang lokal na pamahalaan, dahil marami nga ang nagtatapon ng basura sa dagat. Ang pinaplanong reklamasyon ay dapat pag-aralan, kung tunay ngang makagaganda sa Manila Bay, o magdadagdag lamang sa polusyon at pagsira ng kalikasan. Baka magbago rin ang hugis ng lugar. Alam natin na may mga malalaking proyekto na binigyan na ng pahintulot, at basbas ng Palasyo, dahil nga kilala ng Pre­sidente ang nasa likod ng mga proyekto.

Ngayong tapos na ang election at malinaw na ang mga nanalo, maririnig nga natin ang mga planong gawin. Pero ganundin, naririnig natin ito matapos ang bawat election, pero sa kinalaunan ay wala ring nagagawa, kahit ilang termino pa ang lumipas. Ito siguro ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagpalit ng liderato sa ilang siyudad, na ikinagulat nga ng marami. Mga dinastiya na gumuho sa San Juan at Pasig. Sa Pasig, batang pulitiko ang nanalo. Ganundin, maraming pangakong nais ipatupad. Pero marami pa ngang mga dinastiya na namumuno sa ilang siyudad, dito at sa buong bansa. Kailangang sukatin ng tao, kung talagang nakatutulong sa kanila ang wala nang ibang namununo kundi mula sa isang pamilya na lang. Sana nga, matutong magsalita ang mamamayan, para sa tunay na pagbabago.

JOSEPH “ERAP” ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with