^

PSN Opinyon

Ang choice ng OFWs

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAUSAP ko kamakailan ang isang balikbayan friend mula sa Hong Kong na limang taong nagtatrabaho roon.

Aniya, ang mga Pinoy na nasa ibang bansa katulad niya ay patuloy na umaasa sa mga kandidatong handa ng makipaglaban sa kanilang karapatan. Isa sa tinukoy niyang senatoriable na pinaniniwalaan nilang makabubuo ng mga batas sa kapakanan ng OFWs ay si Bong Revilla.

Nagsusulong kasi noon si Revilla ng bill para mabig­yan ng pensyon ang mga retiradong OFWs. Naudlot­ ito dahil sa pagkakakulong niya sa kadahilanang poli­tikal­.Kakaunti ang mga OFW na nagtatagumpay sa ibang bansa. Karaniwan ay mabababa lang ang suweldo Pero napipilitang tanggapin ang trabaho dahil kaunti ang oportunidad na magkaroon ng quality jobs sa sarili nilang bansa. 

Anang friend ko, “dapat sana ay nasolusyunan na ni Revilla ang problema nang siya ay senator pa, kaso, bumagsak siya sa kulungan dahil sa mga kalaban niya sa pulitika na nag-imbento ng kasong isinampa ngu­nit napawalang-sala rin siya ng Sandiganbayan”. Sa pagka-absuwelto kay Bong, unang-unang nagbunyi ang mga OFW. 

“Alam namin ang malasakit niya sa amin nang siya’y nasa puwesto pa” anang kaibigan ko. Katunayan, aniya ang solidong suporta na ibinibigay kay Sen. Bong ng mga Hong Kong OFWs at ginawa itong number one sa Senado noong kumandidato ito noong una. 

Ganyan din ang sitwasyon sa Singapore na karamihan sa OFW ay nagpagawa pa ng sarili nilang t-shirt na may mukha ni Sen. Bong para lang ipakita na buo ang kanilang suporta rito. Naniniwala ang maraming OFWs na matutupad na ang naudlot na plano ni Sen. Bong na guminhawa sila kapag nagwagi muli sa Senado.

Kahit ang mga teachers, nurses at mga barangay health workers ay nais ni Sen. Bong na itaas ang antas ng pamumuhay sa pamamagitan nang pagbibigay ng disenteng suweldo. At ang lahat ng ito ay matutupad sakaling mabalik si Sen. Bong sa Senado kaya hindi natin masisi ang mga OFW at mga mangga­gawa kung bakit solid ang suporta nila sa masipag na Senador.

vuukle comment

BALIKBAYAN FRIEND

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with