Ang mahalaga
REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

NASA pang-26 na palapag ng isang gusali nang abutan ako ng lindol noong Lunes. Wala nang oras para maghintay­ ng elevator at nag-aalburoto na talaga ang building. At wala ring kasiguruhan na kapag bumukas iyon, may lugar pa para sumiksik. Sa halip, pinili kong bumaba ng hagdanan, kahit gaano pa ito katarik.

Marami akong nakasabay na nagmamadaling bumaba. Sa ilang minutong iyon, tanggap namin na wala talaga sa aming kamay ang kaligtasan. Kung sakaling bumigay at gumuho ang building sa lakas ng lindol, kahit pa ang pinakamabilis ay pihadong wala ring kawala. Mas mabuti pa ang mga nasa bahay o gusaling hindi gaanong mataas – madali silang makakatakbo papuntang open space at maiiwasan ang kapahamakan.

Matagal na rin itong pinaghandaan. Maya’t mayang earthquake and disaster drill ang pinukpok sa atin upang masanay. Subalit iba talaga kapag andiyan na. Ano pa mang paghahanda ay hindi masisiguro na matatakasan mo ang mapait na kapalaran. Gaya ng sinapit ng 9 na kumpirmado nang namatay sa Pampanga, 5 sa sarili nilang pamamahay at 4 na sa isang grocery na gumuho.

Kahapon ay may sumunod na isa pang lindol. Kung iyong una ay sa Zambales ang sentro, ito naman ay sa Samar nagsentro.

Sa gitna ng kaguluhan noong Lunes, naisip kong isalba ang aking mga gamit bago ako lumabas ng opisina. Subalit nang lumakas lalo ang lindol, hindi na ako nagdalawang isip at nagmadali na. Hindi na ako nagsayang ng kahit isang segundo sa panghihinayang.

Sa karanasang ito, napaalala sa atin kung ano talaga ang importante sa buhay. At hindi kabilang dito ang mga pag-aaring nakukolekta sa araw-araw na pakikipagsapa­laran sa mundo. Kaya samantalahin sana natin ang bagong pagkakataong ibinigay sa atin na ipaalam sa kinauukulan kung gaano sila kahalaga sa atin.

MM AND ZAMBALES EARTHQUAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with