^

PSN Opinyon

Aling survey ang tunay?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMING political surveys na iba-iba ang resulta kahit sabay-sabay na inilabas. Kung mapanuri ka, mahalata mo ang mga survey na nakakiling sa mga kandidatong Ibig palabasing on the lead o malakas ang dating. Ganyan talaga ang kalakaran tuwing eleksyon. Nakakalungkot ngunit totoo.

Hindi patas iyan sa mga lehitimong survey entities na pinaghihirapan ang hawak nilang resulta, bagamat hindi pa rin ito basehan ng panalo dahil ilang tao lang ang natatanong at depende pa ‘yan sa lugar. Kasi naman, May mga survey entities kunu na pera-pera lang ang puntirya kapag nalalapit ang eleksyon.

Pero kung papansinin ninyo ang lahat ng survey, partisan man o independent, laging nasa gitna si  Senatorial bet Bong Revilla. Halos lahat ng kandidato ay pabagubago ang standing sa iba’t ibang survey depende kung sino ang may gawa. Upang magmukhang totoo ang mga ito, hindi nila inaalis ‘yung mga talagang malalakas at saka lang nila pinapasok ang mga manok nila. Sa apat o limang kandidato na nakababad sa resulta ng mga survey, palaging kasama si Sen. Bong. Ibig sabihin, talagang may sariling supporter ang nagbabalik na Senador.

Iyan ay sa kabila ng walang puknat na banat kay Revilla ng mga katunggali niya na ayaw lumaban nang patas. Hindi kayang pagtakpan ng resulta ng survey lang ang popularidad ni Revilla na bukod sa may mga botante ay may tagahanga pa na halos magpakamatay makita lamang siya ng personal.

Sa Hongkong, solid kay Revilla ang Pinoy community na tinaguriang “Friends Of Bong Revilla”.  Nang dumalaw doon si Cavite Vice Governor Jolo Revilla laking gulat niya  dahil halos lahat ay nakasuot ng T-Shirt ng kanyang ama, na sila-sila ang gumastos para ipakita lang ang pagmamahal nila dito.

Baka isipin tsamba lang, kaso maging sa Singapore ay ganito rin ang sitwasyon, sama-sama ang mga Pinoy doon na nagpapakita ng suporta kay Sen. Bong na paanong mapagtatakpan ng mga resulta ng survey lamang.  Kahit ang mga tauhan ni Sen. Bong, na sa kaniya na nagsitanda at hindi nag-aalisan dahil sa alam nila kung gaano ito kabuti at isa sa minahal sa kaniya ng kaniyang mga tauhan ay hindi ito kumakain ng hindi niya siguradong kumakain din ang ultimo kaliit-liitan niyang tauhan.

vuukle comment

POLITICAL SURVEYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with