^

PSN Opinyon

Si Dr. Gan ng Gat Andres Bonifacio Memorial Center

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI yata naisip ni Dr. Tim Gan, doktor sa Gat Andres Bonifacio Memorial Center sa Tondo, ang mga kawawang pasyente na pumupunta sa ospital para magpagamot.

Dr. Gan, for your information, pamasahe lang hirap silang  makakuha para makapagpagamot lang.

Wala ka pa?

Naku ha!

Totoo ba ito, Dr. Gan?

Nagreklamo ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na pasyente ni Dr. Gan na halos isang buwan na siyang pabalik-balik sa ospital up to now ay hindi pa siya nagagamot?

Bakit kaya?

Kawawa naman ang mga pobreng alindahaw na nagpapagamot dito porke mahirap ay inaapi!

Naku ha!

Ano ba ito?

Dr. Gan, isipin mong ma­hihirap ang mga pas-yenteng pumupunta sa iyo para magpagamot, dahil kung may mga pera ang mga ito ay hindi sila magpapagamot sa iyo kundi sa mga private hospitals para hindi na sila mahirapan pa sa mahabang pila at mainit na lugar.

Alam ba ni Manila   Mayor Erap ang pinagga­gawa mo sa mga duk-hang pasyente na kanyang mga botante?

Siguro malakas ka kay Erap? Antayin mo kapag natalo ito dahil tiyak sa kangkungan ka pupulutin kapag iba na ang alkalde sa Maynila kasi isusumbong ka ng mga mahihirap na diumano’y pinahihirapan mo?

Ang mga pasyente pumupunta sa iyo para magpagamot ay hirap humanap ng pamasahe para makarating dyan sa ospital. May mga sumasakay ng tricycle na ang singilan pala ay P200 balikan from Gagalangin to your hospital vice versa.

Mantakin mo ang mahal ng pamasahe?

Sa palagay mo saan nila kinukuha ang P200 para makarating sa ospital at makauwi ng bahay nila?

Siempre hindi mo alam, Dr. Gan?

Dra. Aquino, pagsabihan mo si Dr. Gan, maawa siya sa mga mahihirap na pas-yente ninyo r’yan.Abangan.

* * *

Marinduque PTB

Ang DOTr at CAAP, ka­sama ang pamahala­ang panlalawigan ng Marinduque ang nanguna sa inagurasyon ng rehabilitated passenger terminal building  at runway extension project.

Matatagpuan sa Barangay Masiga sa munisipalidad ng Gasan, Marinduque, ang rehabilitation project para sa passenger terminal building sa airport, na nagkakahalaga ng PHP 9,099,581.12 ay ipinatupad ng DOTr. Ang construction ay nagsimula noong Abril 11, 2016, at natapos noong nakaraang Marso 4, 2018.

Ang pinabuti ng rehabilitation project  ang 560 sqm ng passenger terminal building na marami ang ginawang pagbabago rito at nagdagdag ng mga malalakas na airconditioned para sa mga pasahero at nilagyan ng mga CCTV camera ang paligid ng paliparan.

Ang island province, na tahanan ng isa sa pi­nakamatandang religious festivals sa Philippines my Philippines, ang Morio-nes Festival, ang  sikat din na lumang simbahan nito (Boac Cathedral at Sta. Cruz Church), tahimik na beach, rock formations, at explorable caves.  

vuukle comment

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with