Tutulong nga ba?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2019 - 12:00am

NAGULAT na lang ang mga mangingisda nang makita ang isang barko na hindi karaniwang nasa lugar ng Panatag Shoal. Kung nasanay na silang makita ang mga barko ng Chinese Coast Guard, nasorpresa sila sa kanilang nakitang aircraft carrier. Pinanood nilang lumapag ang mga eroplano roon. Hindi makumpirma kung kaninong bansa ang aircraft carrier. Pero ayon sa mga kaibigan ko, kung sa lugar ng Panatag Shoal nakita ang barko, malamang ay aircraft carrier ito ng China dahil sila ang may kontrol sa lugar. Kung sa US ang carrier, sigurado may narinig na mula sa China.

Kung sa China ang aircraft carrier, ipinakikita na sila ang naghahari sa lugar. Malamang ay ipinadala ito ng China, para tapatan ang kasalukuyang Balikatan 2109 na nagaganap sa bansa ngayon. May aircraft carrier din ang US sa bansa, ang USS Wasp, na kasabay ng ating mga barko sa exercise. Maaari rin na ang USS Wasp ang nakita ng mga mangingisda, dahil hindi pa naman sila umaabot ng Panatag Shoal nang makita. Kung lumi­lipad at lumalapag ang mga eroplano nang makita nila, maaaring ito nga ang USS Wasp sa Balikatan 2019.

Mabuti at natuloy pa rin ang Balikatan, sa kabila ng madalas na pagbatikos ni President Duterte sa US. Ang US pa rin ang kaalyadong superpower ng Pilipinas, kung saan may ilang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa. Nataon din na may 3 barkong pandima ng Russia na dumaong sa Manila Bay. Ilang beses nang bumisita ang mga barkong pandigma ng Russia, matapos simulan ni Duterte ang pagiging kaibigan sa bansa, katulad ng pag­lapit sa China.

Mag-iisip talaga kung sino ang tatakbuhang bansa sakaling sumama ang sitwasyon sa karagatan. Pinali­ligiran na ng China ang mga islang hawak na natin. Parang naghihintay na lang ng utos mula sa Beijing para yuma­pak na sa mga isla, at angkinin na rin. Ilang beses nang nagpahayag si Duterte na wala tayong laban sa China, kaya alam nila na wala tayong magagawa kung sakaling angkinin ang Pag-asa at iba pang isla. Ang tanong, tutulong nga ba ang US, kung sakali?   

CHINESE COAST GUARD PANATAG SHOAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with