^

PSN Opinyon

Sino nga ba ang pinoproteksyunan?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

WARNING ni President Digong sa Punonglungsod ng Malabon­: Aarestuhin at ipatatapon sa dagat ang Mayor kung mabibigo itong sugpuin ang droga sa lungsod sa loob ng isang buwan.

Nagpalabas ng press release ang lungsod tungkol sa 2018 National Anti-drug Abuse Council Ideal Performance Award mula sa Department of Interior and Local Government at Philippine National Police. Sinasabi na 40% ng lahat ng barangay sa Malabon ay drug-cleared na. Pero bakit magbibitiw ng marahas na babala ang Pangulo kung totoo ito? Matindi kasi ang intel ng Presidente kaya may basehan ang banta niya laban sa Mayor.

Siyam na barangay ang sinasabing drug-cleared gaya ng: Brgy. Baritan, Dampalit, Ibaba, Muzon, Niugan, San Agustin, Concepcion, Flores, at Panghulo. Wala ang mga barangay na may isyu sa talamak na droga at shabu laboratory gaya ng: Brgy. Tinajeros na dito ay ang dating Kapitan na si Alvin Mañalac ay tinukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) narco-list at sinasabing utak sa ni-raid na shabu laboratory na pag-aari ng Chinese na si Jiang Minshan. Katabi lamang ito ng barangay hall. 

Nasa PDEA narco-list din ang Kapitan ng Brgy. Hulong­ Duhat na si Anthony Velasquez na nagtago nung umali­nga­saw ang kaso niya sa ilegal na droga. Bakit hindi isinuko­ ni Mayor Len Len si Kapitan sa pulis? Tatlong barangay tanod din  mula sa Brgy. Longos na nakuhanan ng apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000. Ni-raid din ang isang drug warehouse sa Brgy. Santulan, Malabon na konektado sa isang notoryus na Dragon Wu International Syndicate sa Asya na protektor ng droga. 

May mga kabataan ding taga-Brgy. Tugatog na nasa ilalim ni Kapitana Edna Valenzuela na naging viral pa sa social media dahil minumura nila si Pangulong Duterte. Nito namang Huwebes ay naaresto ang isang pulis Malabon kasama ang kaniyang ama at tiyahin sa isang drug bust operation sa Quezon City.

Giit ni Mayor Len Len, bago pa man nagdeklara ang Pangulo ng kampanya kontra droga, pinaigting na niya sa  Malabon ang programa para masigurong malinis, ligtas, at maayos ang siyudad. Ngunit may mga talamak na bentahan pa rin ng droga at mayroon pang shabu laboratory at warehouse kaya tiyak na nag-ooperate pa rin ngayon.

Matatawag bang drug-cleared ang lungsod kung patuloy na umiiral ang pangangalakal ng droga? Paano ba masusugpo ang droga kung ang focus ay wala sa naturang isyu at tila natabunan na lang ng mga award? Proteksyon laban sa droga o proteksyon sa mga gumagamit ng droga? 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with