Kaibigan ba natin talaga ang China?
(Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2019 - 12:00am

Nakababahala na ang ginagawa ng mga barko ng China­ na binu-bully ang ating mga mangingisda sa Pag-asa Island. Hinaharangan umano ng mga barko ng China ang mga bangkang pangisda ng mga Pinoy. At nabasa ko rin sa isang nerws report na mahigit 600 barko ang umaaligid sa Pag-asa Island na sakop ng ating teritoryo. Noon pang nakaraang Enero ng kasalukuyang taon namataan ang mga Chinese vessels. Bale apat na buwan na silang paali-aligid na para bang kanilang teritoryo ang Pag-asa Island.

Nagtataka naman ako kung bakit hindi gumagawa ng aksiyon ang pamahalaan para magsampa ng reklamo sa ginagawa ng mga barko ng China sa ating mga mangi­ngisda. Hahayaan na lamang ba na laging ibu-bully o iha-harass ang mga mangingisdang Pinoy gayung teritoryo naman natin ang pangingisdaan nila. Hindi naman yata tama na itaboy ang mga Pinoy sa sakop na teritoryo.

Laging sinasabi ni President Duterte na kaibigan daw ng Pilipinas ang China. Marami na raw naibigay na tulong at armas ang China sa bansa. Ibig bang sabihin, porke’t marami nang naitulong o naibigay ay magsasawalang-kibo na lamang sa ginagawang pagtataboy. Hindi tama ang ganito sapagkat ang ating mga mangingisda ay naghahanapbuhay lamang at walang ibang tangka. Marangal sila at ang hangarin ay kumita sa pangingisda para may maipakain sa pamilya.

Kung talagang kaibigan ang China, bakit hindi pakiusapan ni President Duterte ang pinuno na huwag namang ipagtabuyan ang mga mangingisdang Pinoy. Kung kaibigan ang turing, bakit naghahari-harian sila sa hindi naman nila teritoryo.

Hindi naman makikipaggiyera ang Pilipinas sa China kundi pakikiusapan lang na huwag namang tratuhin na mga mangingisda natin na parang mga hampaslupa. Kung hindi sila mapakiusapan, dapat dalhin na sa korte ang kanilang pagmamalabis sa hindi nila sakop. Ito lamang ang paraan para maipaalam sa bansang ang akala natin ay kaibigan pero lumalabas na hindi pala.  ---MICHAEL DIMALAWAS, Proj. 4, Quezon City

PAG-ASA ISLAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with