Mga magmamanok, magbababoy lugi rin
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2019 - 12:00am

ANG nangyayaring over-importation ng sibuyas, na ikina­lulugi at ikinawawalang gana na ng mga magsasaka, ay hindi bago. Nangyari rin ’yan sa mga magbababoy at magmamanok nu’ng simula nitong 2019. Tulad ng sibuyas, bumagsak din ang farm-gate price (presyong mamamak­yaw) ng buhay na baboy at manok. Ang mga magsisibuyas ay napilitang pabulukin ang ani sa mga sakahan, dahil wala silang perang pang-upa ng sasakyan at tao na magdadala nito sa palengke. Gan’un din ang mga may piggery at poultry farms. Hindi nila maisalya sa malalayong pamilihan ang mga alagain. Nalugi sila sa patuloy na pakain at patuka.

Kasalanan lahat ng Dept. of Agriculture, na taga-isyu ng permit to import ng pork, chicken, isda, at pananim.

Gaano karami ang over-importation? Sinaliksik ito ni Engr. Rosendo So ng SINAG (Samahan ng Industriya at Agrikultura). Ito ang nabatid mula sa records ng Customs. Kaya i-supply ng lokal na hog at poultry growers ang 98% at 97% ng pangangailangan. Kaya dapat ay 2% ng pork at 3% ng chicken lang ang inaangkat. Ang in-import nu’ng 2015 ay 252.8 milyon kilo, nu’ng 2016 ay 275.7 milyon, at nu’ng 2017 ay 305.4 milyong kilo; pero nu’ng 2018 ay lumobo ito sa 392.2 milyong kilo -- sobrang-sobra sa diffe­rential. Sa manok, ang inangkat nu’ng 2015 ay 198.2 mil­yong kilo, nu’ng 2016 ay 232.8 milyon, at nu’ng 2017 ay 244.1 mil­yong kilo; pero nu’ng 2018 ay lumundag ito sa 295.3 mil­­yong kilo -- muli sobrang-sobra.

Karamihan ng magbababoy at magmamanok ay maliliit lang -- sa backyard o bakuran. Sila ang pinaka-nasaktan sa pinayagan ng DA na over-importation. Bakit pumapayag doon si Sec. Emmanuel Piñol?

Hindi nalalayo ang sitwasyon ng mga nanghuhuli ng galunggong. Nangalugi sila dahil sa pagdagsa ng imported galunggong mula China. Mas nakamura ang mga mamimili, pero nakasama ito sa kalusugan nila dahil binabad ang imported na isda sa formalin.

ONION
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with