^

PSN Opinyon

Mga sikat nasa drug watchlist ng gobierno

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MGA sikat daw ang mga artists na nasa watchlist ng PNP at PDEA.

Sabi nga, 31 daw silang lahat na pushers ng party drugs, shabu at ang iba naman ay mga adik-adik na?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Hindi pa kasing puedeng bukuhin ang kanilang mga pangalan dahil ini-evaluate pa ng kanilang Intel group ang mga impormasyon na kanilang nakalap.

Ika nga, ‘raw’ pa ang information!

Basta may malakas na ebidensiya laban sa 31 artists tiyak na susungkitin nila ang mga ito, kakasuhan at ikukulong na magsasangkot sa kanila sa droga.

Naku, lagot!

Hindi rin basta-basta na ibubuyangyang ang mga pangalan ng mga nasa narco-list ng hindi sasabihin kay Boss Digong

Hindi papapel si Boss Digong sakaling may masabit na mga artist sa droga kahit ang mga ito ay nakatulong sa kanya noong tumakbo siya bilang pangulo o kaalyado, kasangga, o kadikit pa niya.

Sabi nga, magdusa sila sa paghimas ng rehas sa karsel!

Ang mga artista at media na sangkot sa illegal drugs ay talk of the town sa Philippines my Philippines. Abangan.

vuukle comment

PDEA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with