Hindi pa puwede
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

ITINIGIL na ng isang pampublikong bus ang “honesty system” sa pagbabayad ng pamasahe dahil 30% daw ng mga pasaherong sumakay ay hindi nagbayad. Isang linggo pa lang ang lumipas nang simulan ng kompanya ang sistema. Sino nga namang negosyo ang magpapatuloy kung hindi nagbabayad ang mga sumasakay? Kaya babalik na sila sa sistema ng naniningil na kunduktor. Ipinakita lang na hindi pa handa ang Pilipinas sa ganyang sistema. Parang pagsusuri na rin ito. Lumabas na 3 sa 10 Pilipino ang hindi tapat. 

Kaya huwag na tayong magtaka kung may mga nagsasabing hindi naman isyu ang katapatan sa pulitiko, kung sa isip ng 3 sa 10 pasahero ay hindi nga kailangang maging­ tapat sa bayaran. Hindi pa rin tayo matutulad sa ibang bansa, kung saan walang kunduktor ang mga bus, walang guwar­diya ang mga establisimento. Hindi pa talaga puwede ang sistema kung saan kailangan ng katapatan.

May honesty system sa isang tindahan sa Batanes, na hanggang ngayon ay bukas pa. Dinadayo ito ng mga turista, at ipinakikita na sila’y tapat sa pag-iwan ng tamang bayad at kukuha ng tamang sukli para sa mga binili. Bakit kaya roon ay kayang ipatupad ang pagiging tapat, pero dito sa Metro Manila ay hindi? Sinubukan din ito sa 1 police station sa Manila Police District. Matapos ang anim na buwan, sinara na rin noong Enero. Nalugi dahil marami ang hindi nag-iiwan ng bayad. Ninakawan pa ng empleyado ng MPD, na hindi rin kinasuhan ng mga pulis. Kaya kung may plano ang sinuman na magtayo ng tindahan kung saan “honesty system” ang pagbayad, kalimutan na ito.

Nasa tao ang pagiging tapat. Tama ang kasabihan na kung hindi magiging tapat sa maliit na bagay, paano pa sa malaki? Sana ay matandaan ito ng lahat. Maaasahan ba ang taong hindi tapat, sa kahit anong propesyon o trabaho?  

HONESTY SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with